Chapter 4: Kneel Down, Clemensia

1.1K 21 10
                                    

Clemensia.

"BDSM role-playing 'yan para sa mga gustong manood ng aliw. Ang lalaking iyon ay isang master; habang ang babae naman ay isang slave. I'm telling you, that kind of kink is more thrilling and exciting than just vanilla sex. Mas double ang arousal na mararamdaman diyan compare sa normal na sex lang."

Sumipsip siya sa kopitang hawak. Tumango-tango ako kahit na ang totoo'y halos hindi ko na siya maintindihan dahil napako ang buong atensyon ko sa stage. Tila may nabuhay na kung ano sa katawan ko habang pinapanood iyon. Sumiklab ang init sa akin.

Biglang pumasok sa isip kong ako ang nasa posisyon no'ng babae at isang partikular na lalaking may abuhing mata. I imagined myself being whipped like that by him. Naalala ko bigla 'yong tagpong hinila niya 'yong choker na walang paalam kong sinuot habang galit ang mga mata niya. Parang gusto ko ulit maranasan 'yon habang marahas siyang umuulos sa harap ko.—

"Ayos ka lang ba, Clem? Nabigla ba kita? Hindi ka ba komportable sa mga nakikita mo ngayon?" ang nag-aalalang tanong ni Addison ang nagpabalik sa akin sa wisyo. Ngumiti ako saka umiling. Kagat ang labi kong iniwas ang tingin. Nangapal bigla sa hiya ang mukha ko sa naisip.

Addison knows that I still don't have any sexual experience. But I make it clear to her that I'm willing to learn something from her about stuff like that. I am an open-minded person naman. Marami na rin akong nalalaman mula sa kaniya, pero aminado akong mas marami pa rin akong dapat matutunan.

Tanging source ko lang kasi ay ang pagiging bulgar niya minsan.
Aside from that, wala na. Hindi kasi ako nanonood noon, tamad rin akong bumasa ng mga erotic books na sinusuhestiyon niya sa akin. I mentally note na simula bukas, magreresearch na talaga ako. Uunahin ko 'yong tungkol sa BDSM, because, to be honest, naging mas kuryuso ako sa practice na 'yon. Parang gusto ko maranasan.

"Gusto mong uminom?" Pinakita niya ang hawak na kopita na tila inaalok sa akin. Tumango ako at kinalimutan na lang 'yong sinabi ko na hindi ako iinom. Kailangan ko kasi ng alak sa aking sistema. Baka sakaling makalimutan ko 'yong hindi magandang naglalaro sa isipan ko. Dapat iyon mabura dahil maski ang pagsagi ay hindi nararapat bigyan ng puwang.

Addison ordered a Martini drink for me. Agad ko iyon tinanggap sa bartender. Nginitian ko ang lalaki saka pinasalamatan. Binangga ko ang labi sa bunganga ng kopita at sumimsim. Maya-maya lang ay may dumating na matangkad na lalaki. Pinakilala ito ni Addison sa akin. Napag-alaman kong ito pala ang Dom na tinutukoy niya.

"Nice meeting you, Adam," ngiti ko rito. Tumango lang ito sa akin. Seryoso ang bakas ng mukha nito at parang mahirap na biruin tulad ni Kuya Apallas. At bilang isang mabait na ako, nilahad ko pa rin ang palad ko rito para subukang humingi ng shake hands.

Inangat niya rin ang kamay para siguro hindi ako mapahiya. Pero bago pa man magkislop ang palad namin, may kung sinong humila sa akin palayo sa kaniya. Bahagya akong napalingon sa gilid kasabay ang pamimilog ng mga mata ko.

"K-Kuya Apallas," bulalas ko sa pangalan niya.

Nang lingunin niya ako ay nakita ko ang nagbabaga niyang mata. Matunog na lunok ang ginawa ko. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Siguro sa tama ng alak, o marahil mas umaangat talaga ang itsura niyang taglay sa tuwing galit. Alin man doon, hindi ko na napagtuonan ng pansin.

Nanaig ang malakas na tambol sa aking dibdib at halos dinig ko na iyon. Walang babala niya akong hinila. Apologetic na nilingon ko si Addison na ngayon ay nanlalaki ang mata't awang ang labing nakatingin sa amin.

"Hop in, Clemensia," dinig ko ang pagpipigil niya sa kaniyang tono. Tumigil kami sa harap ng Limo niya na nakahimpil dito sa may Parking Lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nangangatog ang mga tuhod na inangat ko ang paa para sundin siyang pumasok ako sa loob ng sasakyan.

Nang settle na ako sa passenger seat, inikutan niya ang harap ng kotse para sumakay sa driver's seat. Pinigil ko ang hininga nang maramdaman ko ang presensiya niya sa aking tabi. Agad nanuot sa aking ilong ang mabangong amoy niya. Binuhay niya ang makina.

Nakabibinging katahimikan lang ang namayani sa pagitan namin habang nasa byahe. Masama ang tingin niya sa harap habang puno ng riin ang pagkakahawak niya sa steering wheel. Naglalabasan ang mga ugat sa likod ng palad niya at nagsimula na namang lumakbay kung saan ang utak ko.

"Nasaan tayo, kuya?" tanong ko.
Pagkababa kasi namin sa kotse'y hindi ang mansion nila ang aking nabungaran. Hindi niya sinagot ang tanong ko, bagkus ay hinila niya ulit ako.

Sumakay kami sa elevator. May pinindot siyang numero para sa tamang floor. Habang naghihintay ay tahimik pa rin siya. Panaka-naka akong sumusulyap sa kaniya. Nang makarating kami sa isang palapag ay nagtungo kami sa harap ng pinto. Pumindot siya ng passcode para mabukas iyon.

"Fúcking tell me, Clemensia. Anong parusa ang dapat ibigay ko sa 'yo sa pagsuway mo sa akin?" malagom ang boses na untag niya.

"K-Kuya..." iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Wala akong maapuhap na salita. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Halatang seryoso siya tungkol sa sinasabi niyang parusa.

"Stop calling me that bullshít. I'm not your brother."

Napayuko ako. "Sorry."

"Luhod."

Namilog ang mata ko. "Ano?"

Nabingi lang ba ako? Seryoso siyang paluluhudin niya ako? Nagpaalam naman ako noong umalis ako kanina, ah.

"Sinuway mo ako no'ng sinabi kong huwag kang lumabas. Umalis ka nang hindi hinihintay kung papayag ba ako. Nagtagpuan kita sa bar na iyon. Naabutan kita na may kausap na lalaki. Amoy alak ka pa.  Do you think I will go easy on you after what you did?"

Hindi ako tuminag. Tinuruan ako ni mama na hindi ko dapat ibaba ang sarili ko sa kung sino. Mabait naman akong tao, pero hindi ako santa na sobrang bait. I have also a bad side. I am just concealing it.

"Nagpaalam naman ako na aalis ako, ah. Ano naman sa 'yo kung galing ako sa bar na 'yon? Hindi naman ako minor de edad para pagbawalan uminom at pumunta roon. May sarili akong desisyon, Apallas. Wala kang karapatan."

Nakuha ko marahil na sagutin siya ng ganoon dahil sa tama ng alak. Tumagis ang bagang niya.
"Nasa poder ka namin, Clemensia. May karapatan akong pagbawalan ka kasi nasa pangangalaga ka namin. Hindi mo ba nakita 'yong paligid ng bar na 'yon?! Alam mo ba kung anong klaseng mga tao 'yong nando'n?"

"Alam ko kung anong pinapasok ko," pagdidiin ko. Matunog siyang napangisi.

"I didn't expect that an innocent-looking girl like you would be into that kind of shít. Does getting whipped up on your butt while your hands are handcuffed fantasise you?" he menacingly asked.

Napaatras ako nang sinimulan niyang baklasin ang sinturon sa suot niyang trouser. Ang init na naramdaman ko kanina sa bar ay muling bumalik. Kumalat iyon sa bawat himaymay ng balat ko. Mas doble pa iyon dahil narito siya sa harap ko.

"Does it fantasise you? Ilang palo ba nararapat na ibigay sa 'y0? Lima ba? Sampo?"

"I'm sorry!"

Kinagat ko ang ibabang labi at napayuko. Doon ko natanto na ako pala ang walang karapatan. Tulad nga ng sinabi niya, nasa poder ako nila at nakikitira lang ako. Hindi dapat ako sumusuway.

"Show me how sorry you are. Kneel down, Clemensia."

©Lethal_Arian.

RedCollar Series #5: Apallas VillatileWhere stories live. Discover now