Clemensia.
Bahagya akong natigilan nang may pumulupot na mga braso sa bewang ko. Doon bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. Pinamulahan pa ako lalo nang may matanto. Puting malaking shirt lang ang tumatakip sa buo kong katawan. Dumagdag lang iyon sa hiyang nararamdaman ko ngayon.
"Kanina ka pa ba gising?" Apallas asked in a raspy tone.
Nanatili lang sa harap ang tingin na sinagot ko siya nang maliit na tango. Nanigas ako nang patakan niya ng mabining halik ang gilid ng leeg ko. "Good morning pala."
"G-Good morning din po," puno ng hiya na binati ko siya pabalik.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at napayuko kasi nahihiya talaga ako. Hindi man lang nakatutulong ang presensiya niya sa likuran ko. Hindi ko alam kung matitingnan ko siya nang maayos.
Bakit kasi nanumbalik pa isipan ko 'yong nangyari sa amin kagabi? Bakit hindi na lang 'yon nabura sa utak ko tutal nalasing naman ako?
"Gusto mo bang kumain muna tayo bago umuwi?" untag niya.
Inangat ko ang tingin sa orasang nakasabit sa wall na bahagyang nagpamilog ng mata ko. Alas onse 'y medya na kasi ang nakaindika. Malapit na pa lang magtanghali.
"Umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Tita Cassy," hindi ko na naiwasan pa'ng mataranta sa aking tono. Bumilis ang tibok ng dibdib ko dahil sa namuong kaba.
Baka kung ano na ang iniisip ni Tita Cassy ngayon na hindi pa ako umuuwi sa mansion nila. Hindi naman niyon maiiwasan ang mag-alala dahil nasa pangangalaga nila ako.
Hindi man lang ako maayos na nakapagpaalam kahapon. Dagdag pa sa problemang nakalimutan ko pala 'yong phone ko. Pagbibigay alam man lang kung nasaan ako ay hindi ko pa nagawa. Feeling ko tuloy ang irresponsible ko.
"Huwag kang mag-alala, alam ni mama na nandito ka sa Pad ko. Sinabi ko sa kaniya kagabi."
Lumaki pa lalo ang mata ko at doon na ako tuluyang napalingon sa kaniya. "Ano?!"
Nalagyan ng aliw ang mata niya sa naging reaksiyon ko. "Why? Totoo namang nandito ka."
"B-Baka isipin niyang may kung anong nangyari sa atin."
Kumislap lalo ang mata niya at pilyong ngumisi. "May nangyari naman talaga."
"Apallas!"
Hindi ko na napigilan ang sarili na hampasin siya braso. Tumawa siya kaya mas lalong nangamatis ang namumula kong pisngi. Nais ko na lang tuloy bumuka bigla ang kama tapos lamunin ako ng buhay. Hindi ko na maitago ang embarrassment ko.
Pinaalala niya kasi, eh!
"Huwag mo munang ipaalala iyon, please," maliit ang boses na turan ko. Umiwas ako ng tingin.
Ngayon na wala na'ng ispirito ng alak sa sistema ko ay hindi ko na siya matingnan ng diresto. He just chuckled and buried his face on the side of my neck. Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko siyang sinamyo ang aking natural na amoy.
"Uwi na tayo, Apallas," sambit ko.
Parang wala kasi siyang balak na kumilos para gumayak na kami. Mas humigpit pa ang yakap niya at parang plano pang panatilihin na ganoon ang posisyon namin.
Napapilig ako nang makiliti sa mainit na hininga mula sa ilong at bibig niya na tumatama sa leeg ko. "Let me cuddle you for just ten seconds, flower."
"O-Okay."
Muli kong kinagat ang ibabang labi para supulin ang ngiting namumuo. Parang may paru-parong nagsiliparan sa loob ng tiyan ko. Hindi ako mapalagay sa kiliting dulot no'n. Damang-dama ko ang malamig na buga ng AC subalit para akong sinisilaban sa mainit na yakap niya.
Napangiwi ako nang usugin niya ako palapit sa kaniya. Nasagi kasi ang mga mahapding pasa ko sa aking pwetan.
"Masakit!" reklamo sana iyon pero naging pasumbong ang tono. Napamura naman siya at mabilis humingi ng tawad.
"I'm sorry, flower." Hinimas niya ang braso ko. "Huwag na muna tayong umuwi. Baka lumala lang kapag kumilos ka pa. Mainam na dumito lang muna tayo hanggang sa humilom 'yan."
"H-Hindi. Bearable pa naman 'yong pain. Baka hinahanap na talaga tayo ni Tita Cassandra."
"No. Ako na'ng bahala kay mama. Hindi iyon mag-aalala dahil alam niyang nasa mabuting kamay ka."
Lumabi ako. Dapat pala hindi na lang ako nagreklamo para hindi na nagbago 'yong isip niya. Ayan tuloy, wala akong nagawa kundi tumango na lang kasi parang wala nang makababali sa desisyon niya.
"Sandali, kukuha lang ako ng ice pack para agad nating maagapan."
Kumalas siya ng yakap at saka bumaba ng kama. Agad na iniwas ko ang tingin sa hubad barong katawan niya. Muli, sumalakay ang hiya sa akin na ikinapula ng mukha ko.
Kalimutan mo na 'yong nagyari kagabi, Clemensia! Kumalma ka!
Literal na sinampal ko ang sarili. Napakislot ako nang madagdagan lang ang masakit na kondisyon ko. Halos maiyak ako nang bigla na lang nag-lock ang aking panga.
Hindi nagtagal, bumalik na ulit si Apallas. Agad siyang lumapit sa akin na bitbit ang ice pack na kinuha niya. Napansin niya ang uneasiness sa mukha ko.
"Are you okay?"
Naiiyak na inilingan ko siya dahil hindi ko mabukas ang bibig ko. Lumambot ang tingin niya sa 'kin. Hinawi niya ang magulong hibla ng buhok ko na tumabing sa aking mukha. Mapanglaw ang abuhing matang tinitigan niya ako.
"I'm sorry, Clemensia."
Mahina akong tumango. Hindi dapat siya humingi ng pasensya dahil ginusto ko rin naman 'yong nangyari. Kahit na napatunayan ko na ang kasabihan na matapos ang sarap, sakit ang kapalit, hindi pa rin ako magsisisi. Memorable at precious sa akin 'yong naganap sa amin. Worth it 'yong sakit.
"Humiga ka padapa, Clemensia, para malapatan ka na ng ice pack. Lulubha 'yan kapag nanatili kang nakaupo."
Maagap ko namang sinunod ang sinabi niya. Hindi na inalala pa ang kung ano. Mas importante na isipin ko muna ang kalagayan ko ngayon bago ang ibang bagay.
"Dalawa 'tong ice pack na kinuha ko. Gamitin mo 'tong isa para sa baba mo." Inabot niya sa akin ang isang ice pack na agad ko namang tinanggap. Dinikit ko iyon sa baba ko dahilan para makadama ako ng lamig at katiting na kaginhawaan sa aking kalamnan.
Naramdaman kong inangat niya 'yong shirt na suot ko paakyat sa aking bewang. Sa pagkakataon na iyon, nadama ko ang marahan na paglapat ng icepack sa pwetan ko. Muling nanumbalik sa akin na wala akong saplot sa pang-ibaba.
Tinamaan na naman ako ng hiya.
Isang nakabibinging katahimikan ang namayami sa pagitan namin. Tanging mahinang ugong lang ng AC ang maririnig. Sumisibol ang kakaibang kiliti sa sistema ko sa tuwing nararamdaman ko ang fingertips niya na dumadaplis sa balat ko. Humugot ako ng hininga saka pumikit.
Naalimpungatan ako. Sa oras na iyon natanto kong nakatulog pala akong muli. Hindi ko nabungaran ang lalaking kasama ko kanina. Wala na'ng ice pack na nakalapat sa akin. Masakit pa rin 'yong mga pasa sa pwet ko, pero kahit paano, nabawasan naman 'yong kirot.
"Apallas?" patawag kong hanap sa lalaki.
Napasapo ako sa ilalim ng aking panga nang gumawa iyon ng tunog na pag-click no'ng ibuka ko ang bibig ko. Dinaan ko na lang iyon sa pagngibit. Umalis ako sa kama upang magtungo sa banyo. Inangat ko ang damit ko at umupo sa inidoro para pakawalan ang tawag ng kalikasan.
No'ng lumabas ako sa palikuran, naabutan ko si Apallas na papasok sa pintuan ng silid. May damit na siyang suot. Isang puting shirt na pinares sa kremang short. Mula rito sa pwesto ko, nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy niya.
"Ginawan kita ng sopas. Kainin mo muna 'to para magkalaman ang tiyan mo."
Bumaba ang mata ko sa soup bowl na hawak niya. Parang hinaplos ang puso ko. Nang ibalik ko ang mata sa kaniya ay pinakawalan ko sa labi ang matamis na ngiti.
"Thank you, Apallas."
©Lethal_Arian.
YOU ARE READING
RedCollar Series #5: Apallas Villatile
Romance🔞MATURE CONTENT (BDSM) PLEASE DON'T REPORT!