Nagising ako sa ingay ng cellphone ko at pilit na idinidilat ang mga mata ko, kinuha ko agad ang phone ko sa side table at nanlaki ang mata ko nang si Dulcie ang tumawag.
Bumangon ako at inayos ang sarili, dali dali ko itong sinagot.
Bumungad ang mukha niya sa Face Time, nakita ko ang tampo sa ekspresyon niya.
"Hindi ka nag paalam sakin, are you still my best friend?" sabi niya habang ngumunguso.
I giggled. "Of course, Dulcie. Pag-uwi kasi natin nag usap kami ni Daddy at Mommy na uuwi ako agad dito, wala naman akong magagawa." Paliwanag ko naman sakanya.
She rolled her eyes. "Okay, okay." nakangiting sabi niya.
Natapos na ang pag-uusap namin at nag
desisyon ako na mag hugas ng mukha at mag sipilyo. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at nakita ko kaagad si Tita Bea at Tita Ruth na nag uusap. Nasa hapag naman sila Mack, Migo & Hira, why she's here? I smiled at her but she didn't smile back.
Nakita ako ni Tita Ruth and Tita Bea kaya binati ako ng dalawa.
Lumapit naman ako sa hapag kainan at umupo.
"Good morning guys. Good morning Migo." sabi ko sakanila and i kissed Migo's cheeks.
"Good morning madame, sumabay ka na samin." sabi ni Mack habang nilagyan ng kanin ang plato ni Migo.
"Sure. Hi Hira, long time no see, kumain ka na?" Ngiting tanong ko sakanya habang kumuha ng plato at kubyertos.
She looked at me and nodded. "Kumain na ako bago pumunta rito." Malamig na sabi niya.
Tumango naman ako at kumain na. Tinignan ko siya, she's really pale, skinny and... Nakita ko ang braso niyang may pasa agad niya naman itong tinakpan.
Nagulat ako sa nakita ko pero binawi ko agad ito para hindi niya mahalataan. Hindi normal ang pagiging matamlay at pagiging payat niya. She's wearing light lipstick only, pero halata pa rin na matamlay talaga siya.
Ibinaling ko ang tingin kay Migo but i can't help but to take glances at her while she's playing with her hands. Something is off about her.
Inubos ko ang pagkain ko at pumunta sa kusina, may mga maids naman pero i want to wash the dishes, kahit minsan lang. Naabutan ko naman si Tita Ruth doon, may kinuha siyang isang plastic bag na naglalaman ng lason ng daga. Nilapitan ko ito at nagulat naman siya sa biglaan na pag lapit ko.

YOU ARE READING
Flaming Hearts
RomansaThere's a senior high student who is forced to go back in Philippines for some reasons. Cypriana Paola Esteves lives in Italy at kilala ang pamilya niya bilang isang taga pag mamay-ari ng mga hotels, resorts, buildings at iba pa. Lahat ng gusto niy...