Jiro Manio and Depression |RealTalk|

211 3 0
                                    

Halos mga 4am na ako nakatulog kanina. Kasi panay ang kakagoogle at facebook ko sa sitwasyon ni Jiro Manio,ang aking nag-iisang puppy love. He was my one and only crush--obsession during my elementary years hanggang first year highschool. In short, siya ang INIIROG ko before ko pa nakilala si Minho. His name is Jiro, my name is Jira…eh di KAMI na! Automatic mag-iisip ang utak ko noon, napakadali lang para sa brain at heart ko na tanggapin siya bilang aking…soulmate….hehehe.

Anyway, sana wag niyo po husgahan si JIRO at sana may matutunan tayo dito. Maraming nadi-depress ngayon, kumapit po tayo sa Diyos, sa tunay na makapangyarihan, at hindi po sa droga. Hindi po solusyon ang droga,sex,pagkain,animes,clashofclans o alcohol sa problema. Kung gusto niyo makalimot sa problema okay lang basta wag forever, dahil #WALANG_FOREVER.

Time heals. Love is powerful.

Wag gumawa ng panibagong problema para lang makalimotan yung naunang problema.

Habang di pa masyado malaki ng problema, patayin na agad!

ARIJ: "So patayin mo mukha mo,problema yan!!!! "(*sampal sa kaliwa at sa kanan) "Akala mo ang dali-dali patayin ng problema, bitch ka!"

Jira: Mukha lang at utak problema ko,ang sayo KALULUWA. Budhi mo may MERS! Madapakaaaaa."

Arij: Huhuhuhu hindi mo kasi ako naiintindihan. Marami akong pinagdadaanan kaya ako ganito. Hindi kayo nakakatulong sa mga sinasabi niyong:

‘Magiging Ok lang ang lahat.'

'Lilipas din yan.'

'Manalangin ka lang sa Diyos.'

'Kaya mo yan! Sus ikaw pa!'

'NANdito lang kami. Mahal ka namin'

‘sus tama na DRAMA,amg iba nga diyan walang kinakain.‘

Ayaw ko marinig ang mga yan! Nagdurusa ako, nagdurusa ako. Para sa akin, madilim ang mundo. Hinding-hindi ako makakarelate sa mga pinagsasabi nyo ngayon. Gusto ko lang ng makausap,gusto ko ng karamay, gusto ko lang maintindihan! Wag niyo akong pilitin na maging okay agad. MAHIRAP PA! Mission impossible pa yan, WALA pa ako sa stage na malapit ng mag move on,malayo pa ako don.

And please, wag niyo sabihin na nag-DraDRAMA lang ako. Na ang OA ko. Na napaka EMO ko. BUsit! Iyan ang mga pinaka ayaw marinig ng isang taong depressed.

Dont judge my pain. What doesn't hurt you, kills me.

Jira:  *nosebleed* Anu ba yan, ang daming bawal sabihin! So ano na lang ang pwede kong sabihin? ''Magdusa ka!  7.50 na lang ang ariel!''

Arij: *sampal Jira's face,to the left,to the right* *inhale,exhale* *sigh,then teary eyes*

"Wala akong gustong marinig, pero may gusto akong maramdaman. I want to feel your sincerity and love. Simpatya (Sympathy) hinihingi ko hindi legal advice niyo.

Jira: …*hugs Arij and cries.* "Im so sorry Arij!!!"

After the crying-crying moment of the Arijira.

Arij: Teka, di ba si Jiro pinaguusapan natin dito? Paano na si MINHO?

Jira: Jiro is my ex siyempe I still care for him. Minho, is my present and my future pero kay Jiro muna dedicated ang entry nato. Sa mga fans ni Jiro at sa mga nagbabasa, pahingi po ng load. Hahaha

Seriously, tulungan po natin ang isat-isa at wag napo tao magaway sa facebook comment section dahil di po tayo sinusweldohan jan. (So pag may bayad,pwede magaway?)

My point is, depression is a SERIOUS condition. Hindi man siya kasing lethal ng CANCER , nakakamatay rin po ang depression. Buti na lang ang may sakit sa katawan kaysa may sakit sa spirito. Gawing po nating ang ating makakaya upang labanan ang Depression …actually 5 years akong deressed bago pa lsng ako tunay na "gumaling" Lumalaban na kasi ako, sabi ko sa sarili ko, tama na. Nakakapagod na. So ayun, kinausap ko mama ko, ang panginoon at ang sarili ko (di baliw ang kinakausap ang sarili,wag ignorante) and then started a plan on rebuilding my life again. Wish me luck po….hmmm maybe I'll talk about my depression on another entry po…

So fighting!!!

Please use #fightdepression

PS HAPPY BIRTHDAY TO MY HUSBSND, LEE MIM HO!!! 27 kana, kailan ka pa magpo-propose sa akin?

[Dedicated to evilEverEve,dahil sayo nalala ko account nato. Thanks sa comments]

Ugly Duckling - My diary!  (True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon