Part 4

880 25 0
                                    

Maaga akong nagising para maghanda papuntang kompanya na a'aplayan ko ng trabaho. Kung saan doon din nag tratrabaho si Cicel.

Nagsuot lang ako ng formal attire at simplenng make up lang. Importante maging presintableng tingnan.

Alas otso ang pasok ni Cicel pero alas syete palang ay nandito na kami sa napaka laking building nang Eco Elite Enterprises.

"Grabe, bakla. Ilang palapag ba 'to? Pag kataas taas!" Manghang sambit ko kay Cicel.

"27, bakla. Kaya kung depress ka wag ka pumasok dito kasi siguradong tigok ka pag tumalon ka" biro ni Cicel sakin.

Mabilis ko naman itong binatukan. Mahina lang naman.

"Tarantado ka talaga. Mahal ko pa buhay ko. Gusto ko pa magka pamilyaa hoy!"

"HAHAHA joke lang 'to naman."

Pumasok na kami sa loob at sumakay ng elevator. Buti nalang at kaming dalawa lang nakasakay sa loob.

Pinindot niya naman ang 26th floor. Kaya mabilis ko siyang kinalabit.

"Nasa 26th floor ba opisina mo?" Tanong ko.

"Oo. Doon din ang mag iinterview sayo."

Tahimik lang kami hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. At pag labas namin ay namangha ako kung gaano ka luwag at kalinis ng buong floor.

May iilan nang mga empleyadong nandoon. Yung iba busy sa kaka tipa ng mga keyboard nila. Yung iba naman ay nag kakape.

"Dito bakla. Dito ang table ko." Namangha nanaman ako dahil ang luwag ng space ng bawat emplaydo dito. Tsaka yung mga computers nila dito halatang mga high value kasi magandang klase ng monitor. Hindi yung tipikal na nakikita ko na monitor.

"Upo ka muna diyan. Mamaya pa darating si HR."

Tumango nalang ako saka umupo sa tabi ni Cicel.

"Masyadong luxury naman dito, Cel." Bulong ko sakanya.

"Pag naka pasok ka, masasanay ka din. Tsaka, pag na tanggap ka for sure di lang yan makikita mong mga luxury things." Sambit niya.

Mga kalahating oras din akong naghintay bago dumating yung HR na mag iinterview sakin.

"Good luck bakla. Keri mo yan, kay?" Pagpapalakas loob sakin ni Cicel.

"Laban para sa pamilya," sambit ko sa sarili ko.

Ilang minuto lang ay tinawag na ako sa loob ng opisina ni HR.

"Sit down," ngiting alok sakin ni HR.

"Thank you po,"

"Okay so, you're applying for a business analyst, right?" Unang tanong sakin

"Yes po."

"Hmm... Wow, you're a consistent honor ha."

"Yes po"

"And graduated as a Summa Cumluade..."

"yes po,"

Ilang minuto din niya binasa ang mga naka sulat sa resume ko bago ito tumingin sakin.

"Pasok ka sa mga requirements na hinahanap namin. But..." She paused.

Napalunok naman ako sa kaba na baka may problema sa mga cridentials ko.

"..I still need to give your resume to Miss Williams before I'll hire you, is it okay?"

"Y-yes po ma'am. No problem."

OCEAN EYES  (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon