PART 39

526 24 6
                                    

Lucy's POV

"GET THE FUCK OUT OF MY OFFICE!"

Kahit nandito ako sa labas ng opisina ni Ma'am, dinig na dinig ko pa rin ang malakas niyang boses. Halos kaming lahat na nandito sa labas ay natahimik lalo pa't umiiyak nang lumabas iyong babae na nasa loob.

Another unemployed citizen.

"Pasok ka na daw po." Pati ang secretary ni Ma'am Yummy ay halatang kinakabahan. She smiled at me apologetically like she knew what will be my outcome at the end of the
day. Napa sign of the cross ako dahil sa kaba. Mukhang kailangan ko na ding maghanap ng trabaho.

Pagpasok ko pa lang kaninang umaga, sobrang tahimik na ng mga workmates ko na para bang ayaw nilang gumawa ng ingay. Patrick told me na hell day daw kaya alam ko nang magiging mahirap.sa amin ang araw na ito. Halos himatayin nga ako
kanina nang nalaman kong pinapatawag ako ni Ma'am.

Pag dating ko naman dito, may mga empleyado nang nasa labas at namumutlang naghihintay na sila naman ang papasaukin. Some are lucky to go out without a scratch, but many are unfortunate.

Isa na doon ang babaeng lumabas bago ako. Huwag naman sana akong matulad sa kanya.

"Ma'am?" I knocked twice. Hindi ko sure kung narinig niya pero hindi na ako muling kumatok at baka mas lalo
lang siyang magalit. Akala ko ay mahihimatay na ako sa kaba bago pa siya magsalita.

Pero nang narinig ko naman ang boses niya, parang mas gusto ko na yatang 'wag na lang niya akong
papasukin.

"Come in."

Her low tone voice sent shivers down my spine. I can sense the anger on her voice, kaya sa nanginginig na kamay, binuksan ko ang pinto.

Nadatnan ko siyang nakatayo sa likod ng upuan niya at walang tigil na nagtitipa sa cellphone. She looked so serious and angry as she focused her
attention on the phone. Seconds later, she tried to call someone pero agad ding binaba at malutong na nagmura.

Tatlong ulit niya yata iyong ginawa bago pabagsak na ipinatong ang palad sa mesa. Napatalon ako sa gulat. She's too engrossed with her phone that she didn't give any attention on me.

Lalabas na ba ako? Natatakot akong lumapit. Pero baka wala na nga akong papasukang trabaho bukas pag umalis ako dito ngayon.

"M-Ma'am?" Lakas loob na tawag ko sa kanya nang nakatitig na lang siya sa cellphone niya.

May kakaibang emosyon ang lumukob sa akin nang sa pag-angat niya nang tingin, ay ang pagod at
paglulumbay ang nakita ko sa mga mata niya. I almost gasped. This is not the Ma'am Williams we used to see everyday.

The ruthless billionaire is now gone, all I see right now is the desperate woman, longing for something.

"Where is she?!"

"P-Po?" I took a step backward when she spoke. Nakakatakot ang boses niya. Lord God 'wag naman sana akong matanggal sa trabaho ngayon.

"S-Sino po?"

"Athena," She stated almost immediately. "Where is Athena?!"

Napaawang ang labi ko sa narinig. Si Athena? Why is she looking for Athena? Bakit ganito niya na lang kung hanapin ang kaibigan ko? Teka,
anong meron?

"Hindi ko po alam." Naguguluhan man, sumagot pa rin ako.

Totoong hindi ko alam kung saan ang kaibigan kong iyon. I also wonder earlier kung bakit absent siya nang walang pasabi. She didn't even text me kaya akala ko ay napasobra lang siya ng tulog.

Pero nang puntahan ko siya sa bahay niya kanina, wala naman siya doon. Ang sabi ng landlady niya na kapitbahay niya lang, hindi daw umuwi si Athena kagabi pa.

OCEAN EYES  (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon