Part 14

717 27 2
                                    

Pabagsak akong humiga sa kama ko. Isang malaking ginhawa ang naramdaman ko nang sa pag gawi ko, ay narito pa rin naman ang mga damit at gamit ko. Katahimikan ang tanging bumungad sa akin pag pasok. Although her place is always quiet naman. Iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag alam mong ikaw lang mag-isa.

7:53 pm. I'm done with my dinner and everything. Ngayon ay nakatunganga lang ako sa kisame. Iniisip ang nangyari kanina. Ang aga pa para matulog.

"Because I am your wife."

Napapikit ako nang mariin nang maalala ko ang sinabi niya kanina.

Wife? Nagpapatawa ba siya? Tapos na kami...

"I am your wife"

Badtrip naman. Ayaw parin matanggal sa isip ko ang mga katagang sinabi niya. Nakakainis talaga. Bakit ba apektadong apektado ako?

That woman really knows how to play with her words. Damn it.

"Wife..."

Ugh! Thats it! I need a cold shower at baka naman malamigan itong utak ko't makalimutan ko na siya.

I mean--yung mga sinabi niya.

I took my time having fun in the tub. Pagkatapos kong magpaka lunod sa bathtub ay agad akong nagbihis at pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig.

The silence was interrupted with the sudden beep of my phone. I checked my phone at nakita ko kung sino ang nag text. Si Lucy.

Baliw:

Ang ganda ng gabi, sayang naman kung diyan ka lang sa bahay mo. Dress up. Sunduin kita at 10. Bawal umayaw.

I already know what does it mean. Mag ba-bar 'to.

Should I go? But then again, why not? This is a perfect detour. It's been a long time since the last time I had fun.

I tap my phone.

Ako:

G. No need to fetch me though. Susunod nalang ako. Same place, right?

Baliw:

Yes, neptune.

I place my phone back on the bed and scanned my closet. Susulitin ko ang gabing 'to, lalo na't out of the country yung babaeng yun. Overflowing excitement overtook my system as I picked a red revealing dress. I applied a perfect make-up to pair my outfit. Humarap ako sa salamin, di ko maiwasang tumitig sa sarili.

I once lived my life like this.

——-

"Athena! Here!" Kakababa ko pa lang ng taxi at agad na bumungad sa akin si Lucy na naghihintay pa yata sa akin.

"Oh? Bakit ka pa nandito?"

She looks so beautiful with her body fit halter dress. Agad niyang nilingkis ang braso niya sa akin.

"I'm just making sure na pupunta ka talaga," she grinned. "And OMG! You're really here!"

Binatukan ko pa siya nang magsimula na siyang magtalon-talon. Seryoso? 25 years old na ba talaga 'to?

Bigla ko tuloy na miss si Cecil. Kamusta na kaya siya?

"Tumigil ka nga. Nakakahiya." Pagsaway ko sakanya. "Sinabi ko namang pupunta ako di ba?"

"Sus! Ilang beses mo na kaming hindi sinipot kahit pa sinabi mong pupunta ka. Naninigurado lang. Pupuntahan talaga kita sa inyo kung hindi mo kami sisiputin ngayon."

OCEAN EYES  (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon