Part 18

710 23 2
                                    

"Good morning kaibigan kong maraming nililihim. Kumusta ang pakiramdam mo?"

Umagang-umaga, pagmumukha agad ni Lucy ang tumambad sa akin. Hindi pa nga ako nakakaupo.

"Tigilan mo ako, Lucy." I warned.

May sira na siguro sa utak ang babaeng 'to, dahil imbes na tumigil ay mas lalong lumawak ang ngisi niya sa sinabi ko.

"Hindi ka man lang babati sa akin? Ang ganda ng araw ngayon, diba, Athena?"

I know behind those innocent smiles are her mischevous plan kaya inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang dapat gagawin. I switched my computer on at hindi na nga sana talaga siya papansinin pero lumapit na siya sa table ko at ngumisi. Napabuntong hininga nalang ako.

"Good morning din sayo, baliw." Saad ko sabay irap sa kanya. "Mag trabaho ka nga lang. Ini-istorbo mo 'ko e,"

Tumawa siya at bumalik na sa upoan niya kaya akala ko ay tatahimik na talaga siya. Pero kailan ba?

"Wait, saan ka nakatira ngayon?" Paunang tanong niya na nakapag patigil ulit sa akin. "Pumunta ako sa boarding house mo kahapon, iba na pala nakatira dun. Akala ko nga jowa mo dahil lalaki ang nag bukas ng pinto."

Halos manlamig ako sa mga sinabi ni Lucy. Buti nalang at agad akong naka isip palusot kaya agad kong inayos ang sarili at tinignan siya.

"Pinalayas ako ng magaling naming landlady,"

I shrugged my shoulder. Sana naman sumpungin ng katangahan ngayon si Lucy at hindi mapansin ang pagsisinungaling ko. Pero mukhang umaandar ang utak niya ngayon.

"So, saan ka nakatira ngayon?"

Sa dati kong asawa.

"Sa kakilala ni Aleng Tanya, yung nagtitinda ng ulam sa may kanto." I should give myself an award after this.

"Talaga? Saan naman 'yan banda?"

May halong duda sa tono ng tanong niya. Bakit ba ang kulit ni Lucy ngayon? Ang sarap tuloy sapukin.

"Basta malayo dito. Pero plano ko rin namang maghanap na ng matitirhan na malapit dito. May alam ka bang pwedeng rentahan?"

She eyed me intently na parang binabasa niya ang nasa isip ko. She's weird.

"Wala, e." She shrugged her shoulder. "Pero tatanungin ko si Gian baka may alam siya. Alam mo naman yung babaeng yun. Kay yaman-yamang nilalang pero mas gusto pang manirahan sa isang maliit na apartment,"

I nod. She's also my friend since the first time I've been here. Mayaman yun, literal. She had a company but yet, she chooses to live in an apartment.

"Sige salamat" saad ko.

----

Naging busy na kami ni Lucy sa mga nagdaang oras kaya't hindi na namin namalayang mag la-lunch na. Actually, kaming lahat dito sa department namin at masyadong busy, halos walang lumalabas para kumain. May event kasing gaganapin kaya the company is quite uproar at this moment.

"Ms. Athena Ruiz?"

Ang tahimik na opisina ay nadisturbo nang may biglang nagsalita ng malakas. Our attention shifted towards the entrance where a teenage guy is standing with a plastic bag on his hand. He's wearing a green uniform and a green cap.

"Yes?"

Tatayo na sana ako para lapitan siya pero nang makita kong naglakad siya palapit ay muli akong umupo't hinintay na lamang siya.

"Delivery po," magalang na saad niya nang tuluyan ng nakalapit.

Napa kunot noo ako nang ilagay niya sa table ko ang dalawang plastic bags na may naka printang logo ng isang resto. Lalo pa't nang natapos, ay magalang din siyang yumuko para magpaalam. Hindi man lang hiningi ang bayad ko.

OCEAN EYES  (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon