PART 27

607 23 3
                                    

Euryale:
Let's talk.

Napamura ako nang mabasa ko ang text ni Euryale.

Nanggigigil ako.

"Magsama kayo, bwesit"

Let's talk? Ano? Papakiligin na naman niya ako tapos kikiligin na naman ako tapos maghahalikan na naman kami tapos may darating na namang girlfriend niya? Manigas siya!

Ako:
I am working, Ma'am. Please don't bother me.

Itinapon ko sa loob ng drawer ang cellphone ko.

My God. Nast-stress ako! Nakaka-stress ang babaeng yun!

"Athena!"

"What?!"

Nadamay pa tuloy sa init ng ulo ko si Patrick na kakalapit lang sa mesa ko.

"Woah! Chill"

Natatawa siya nang tuluyan nang nakalapit. Inilagay niya sa mesa ko ang maraming papel kaya doon natuon ang atensyon ko.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko. "Ayusin mo yang sagot mo at baka di kita matansya at matapon kita sa bintana."

He laughed kaya mas lalo akong nairita. Why is anyone around me in a good mood? Samantalang ako ay kanina pa inis na inis sa mundo.

"Ang sungit mo!" Ginulo niya ang buhok ko kaya hinampas ko ang kamay niya. "E-encode mo
daw yan sabi ni Sir Palen."

I took a deep breath as I looked at the stack of paper in front of me.

"Kailangan niya raw 'yan bukas ng umaga."

I heaved a sigh. I thanked Patrick before I started finishing my remaining work para masimulan ko
ng gawin 'tong tambak na papel.

"May ginawa ka bang kasalanan kay Sir Cruz?" dinig kong nagsalita si Lucy kaya tinignan ko sya. "Bakit ka nya pinaparusahan?"

"Hoy, ang bait ko kaya!""

"Need help?"

Umiling ako bilang sagot. Ang dami niya rin kasing tambak na trabaho kaya ayaw ko na siyang abalahin.

"Tawagin mo lang ako kung nabaliw ka na sa kaka-encode niyan ha?"

Tumango lang ako at 'di na nagsalita pa. Alam kong hindi ko ito matatapos kung hindi ako mag overtime. So I'll take this opportunity to think and
breath.

"Athena, sure kang hindi mo na kailangan ng tulong?" Tumingala ako kay Lucy nang pumunta siya sa harapan ko. Bitbit na niya ang bag niya at ready ng umuwi. "I can stay for a while naman, "

Hindi ko man lang namalayang uwian na pala.

"Uwi na! Naiinis ako sa mukha mo"

She rolled her eyes kaya natawa ako. Ang dami na nga niyang bitbit na files na tatrabahuin niya yata sa bahay niya. Baka nga sabay kaming mabaliw sa kakatrabaho ngayong gabi, e. Kung sa bagay, baliw na siya dati pa kaya di na yun matatablan ng kabaliwan ngayon.

"Ikaw bahala" She nods. "Bye!"

I waved my hand at her.

"Layas na! Mag ingat sila sayo! Nangre-rape ka pa naman ng gwapo!" Pahabol kong sigaw nang malapit na siya sa pinto.

And then I was left alone. May iba pa naman akong ka-trabaho na nag overtime din, pero malayo sila sa akin kaya hindi ko din makausap.

Sumasakit na ang leeg ko sa kaka-encode. Nawala na tuloy sa isip
ko ang iwasan si Euryale. I just want to go home and rest.

OCEAN EYES  (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon