PART 1

702 13 1
                                    

AUTHOR

Unang araw ngayon ni Jennie sa kanyang bagong trabaho bilang isang maid, ang buong pangalan niya ay Jennie Audrey Kim siya ay 28 taong gulang na at may height na 5'4, singkit ang mga mata niya at may hubog ang katawan masasabi din na siya ay isang magandang babae, ang papasukan niya ay isang mansion na pag aari ng pamilyang Manoban, kilalang isa sa mga pinaka-mayaman na pamilya ang mga Manoban dahil hindi na mabilang ang mga properties pati na din ang branches ng mga businesses nila mapa-local or international, billion billion ang kinikita ng mga businesses nila at top 2 sila sa the most richest family in the world.

Ang pamilya Manoban ay kinabibilangan nila Mr.Marco Manoban ang padre de famila, si
Mrs.Cynthia Perez-Manoban ang asawa ni Marco, meron silang dalawang anak isang lalaki at isang babae na sina Liam James Manoban 27 taong gulang ang panganay at Lia Jade Manoban 18 taong gulang ang bunso, si Mr.Marco Manoban ang nagpapatakbo ng isa sa mga pinaka kilalang company sa buong Pilipinas ang asawa niya naman na si Mrs.Cynthia Manoban ay nagpapatakbo ng isa sa mga prestigious restaurant business na pag aari ng pamilya nila, ang anak nilang si Lia ay nag aaral pa ng College  sa isang private school pumapasok din siya sa dance class studio habang si Liam naman music band ang pinagkakaabalahan siya ang vocalist at guitarist ng band na binuo niya ang pangalan ng band nila ay Dark Roses apat silang member nito tumutugtog sila sa mga music festivals at sa mga kilalang bar pati na sa iba pang mga music events, sikat si Liam sa mga babae dahil sa taglay niyang kagwapuhan, matangkad din siya at may height na 6'4, mistiso, macho ang pangangatawan at higit sa lahat magaling kumanta at tumugtog ng gitara kaya naman madaming babae ang pinag papantasyahan siya iyon nga lang siya ay isang fuckboy.

Napili naman ni Jennie na mamasukan sa pamilya Manoban bilang isang maid dahil kailangang kailangan niya ng trabaho para kumita ng pera dahil natanggal siya sa trabaho niya kama-kailan lang, at isa pa tinutustusan niya ang pag-aaral ng bunso niyang  kapatid na si Jane Kim 9 na taong gulang na nasa elementary pa lang ngayon sa isang public school, bukod pa doon kailangan niya din ng pera para pangbayad sa renta ng bahay na tinitirahan nilang dalawang magkapatid dagdag pa doon ang kuryente at tubig pati na din ang panggastos nila sa pang araw araw na pagkain nila, ulila na kasi si Jennie at Jane namatay sa aksidente ang papa nila at sumunod naman ang mama nila na namatay naman dahil sa sakit wala na din silang iba pang kamag anak kaya naman silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay, sa sobrang hirap ng buhay hindi na nakatapos ng high school si Jennie hanggang 2nd year high school lang ang inabot niya dahil mas pinili niyang magtrabaho na lang mula nang mamatay ang mga magulang nila ni Jane, gusto ni Jennie na mapagtapos ng pag aaral ang kapatid niya para magkaroon ito ng magandang kinabukasan at hindi matulad sa kanya na mababa lang ang pinag-aralan, nagpapasalamat naman si Jennie dahil nanjaan ang mga kaibigan niya na tinutulungan din siya kahit papaano, sa katunayan isa sa mga kaibigan niya ang nag-offer na pumasok siya bilang maid sa pamilya Manoban malaki ang sweldo kaya nag apply na si Jennie pinalad naman agad siya dahil natanggap siya.

-

-

-

Jennie Audrey Kim

Ito na yon nandito na ko sa labas ng mansion ng Manoban family grabe labas pa lang maganda na sobrang laki nitong mansion ang yaman nga talaga nila, wala pa kong maid uniform kaya naman ang suot ko muna ngayon ay yong maong palda at yong white t-shirt ko tapos suot ko yong rubber shoes ko nakakahiya naman kasi kung mukha akong ewan pag humarap sa mga Manoban na magiging amo ko may dala din akong bag dahil dala ko ang iilang mga gamit at damit ko stay in kasi ako pero pwede akong umuwi pag day off ko sinabihan ko na rin si Rosé na kaibigan ko bago ako umalis na siya muna ang magbantay sa kapatid kong si Jane.

Nag dorbell na nga ako sa gate nitong mansion...

ding dong! ding dong!

Binuksan naman agad ng guard yong gate...

Made With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon