PART 8

580 15 2
                                    

AUTHOR

Matapos ang ilang minutong byahe nakarating na sa labas ng Manoban's mansion sila Jennie at Kai sakay ng kotse...

"sige na boo dito na ko ingat ka ha sabihin mo na lang kay Jane na pumasok na ulit ako sa trabaho tatawagan ko kamo siya mamayang gabi" pagpapaalam ni Jennie kay Kai

"ok sige boo, ingat ka din sa trabaho mo ha wag ka magpapalipas gutom i love you" sabi ni Kai

"mahal din kita boo, sige na bye na" sabi ni Jennie at binuksan na niya yong pinto ng kotse sa may side niya

"bye boo, pag may time ako later pupuntahan kita dito after ng duty mo text na lang kita" nakangiting sabi pa ni Kai at tumango si Jennie

Tuluyan nang lumabas sa kotse si Jennie dala ang bag niya tapos hinintay niya munang makaalis si Kai saka na siya pumasok sa loob ng mansion para magtrabaho na ulit bilang maid, iniisip ni Jennie kung nasa mansion na kaya si Liam pagkatapos siya nitong ihatid kanina sa bahay.

"sana wala pa dito sa mansion si Liam ayokong ma-distract ako dahil sa kanya shit" (sabi pa ni Jennie sa isip isip niya)

*

*

Samantala, hindi pa gaanong nakakalayo si Kai sa location ng Manoban's mansion dahil ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang ihatid niya si Jennie doon, chill lang siyang nagda-drive ng kotse niya nang makita niyang may isang kotse na mabilis ang andar, inilabas ni Kai ang kamay niya sa bintana ng kotse niya at sumenyas siya doon sa kotse na mabilis ang andar dahil matatamaan nito ang kotse niya, pero dire-diretso pa din yong kotse na mabilis ang andar hanggang sa bahagyang nahagip nito ang front view ng kotse ni Kai doon sa may bandang ilaw sa kanang side nito, buti na lang pareho agad silang naka-preno, ngayon ay nakahinto sa daan ang kotse ng dalawa...

"kainis sumenyas na ko pero dire-diretso pa din sira ulo yata yong driver nito!" medyo inis na sabi ni Kai, at bumaba siya sa kotse niya para tignan kung may sira yong kotse niya

Yong nakahagip sa kotse ni Kai ay walang iba kundi si Liam Manoban, mabilis talaga siyang magpatakbo ng kotse niya kapag siya lang mag isa ang nakasakay, kakagaling niya lang sa condo unit nila ng mga bandmates niya tapos pauwi na siya sa mansion ngayon dahil kailangan niya pa maggayak ng mga gamit niya kasi may naka schedule na pictorial for magazine ang music band niyang Dark Roses, kakatawag lang kanina ng manager nila, ang Dark Roses band kasi ang napili para sa cover ng isang sikat na music magazine na ilalabas soon kailangan din ma-interview si Liam at ang mga bandmates niya.

Uminit naman agad ang ulo ni Liam dahil nagmamadali siya umuwi sa mansion tapos paharang harang yong kotse ni Kai nakita niya din na sumenyas ito pero hindi niya pinansin kasi ang akala ni Liam kusang tatabi yong kotse ni Kai pero hindi ito tumabi, inis na inis si Liam dahil nahagip din ang kotse niya sa front view nito, bumaba na si Liam sa kotse niya para tignan kung may sira din yong kotse niya...

Nakita ni Liam na nagkagasgas ang kotse niya sa front view nito bakbak din ng konti ang pintura, dahil don mas lalo pang uminit ang ulo niya...

"fuck hoy ikaw! pambihira kang kumag ka bakit hindi mo kasi itinabi yong kotse mo ha nakita mo na ngang padaan ako diba! tignan mo tuloy nangyari sa harap ng kotse ko!" inis na inis na sabi ni Liam kay Kai

"sinisisi mo ba ko dude eh ikaw nga tong nakabangga sa kotse ko tignan mo din nangyari yupi yong right side ng kotse ko tapos nasira pa yong isang ilaw sumenyas ako sayo pero ang bilis bilis mo pa din magpatakbo, dude hindi mo pag aari tong kalsada" maangas na sabi naman ni Kai kay Liam

"fuck you! ang angas mong gago ka ha!" sigaw ni Liam kay Kai at bigla niyang sinuntok ito sa may gilid ng labi nito

booogggg!

Made With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon