YZEN
“I’m sorry mama..”
Ang dami kong gustong sabihin pero yan lang ang natatanging lumabas sa bibig ko.
Wala syang ginawa kundi ang iparamdam sa akin ang purong pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak pero heto ako’t nasisikmura syang lokohin sa loob ng mahabang panahon.
Pero ano nga ba ang magagawa ko kung yun lang ang paraan para mabuhay pa sya ng matagal?
Araw-araw akong kinakain ng konsensya ko pera kung babalik kami sa nakaraan ay yun at yun parin ang pipiliin kong gawin.
Hindi man ako nagmula sa kanya, I still love her like she actually carried me in her womb for nine whole months.
Hinihintay ko lang ang mga sasabihin nya habang nakayuko‘t pinaglalaruan ang mga daliri pero makalipas ang ilang minuto ay wala parin akong natatanggap ni isang salita mula sa kanya.
Nagsimula tuloy mag-init ang mga mata ko dahil sa luhang nagbabadya ng lumabas sa kaisipang baka hindi nya ako kakausapin o gugustohin manlang makita sa loob ng mahabang panahon magmula ngayon.
Bagay na ginawa nung bunso't tunay nyang anak.
It's so painful just to think na mangayayare na naman sa akin ang kaparehong bagay na sanhi ng mga ginawa kong para lang naman sa kapakanan at ikabubuti nila.
By that, I can almost tell that.. I was traumatized.
“How can you do that to me?”
Awtomatikong napaangat ako ng tingin nang sa wakas ay magsalita sya.
Kami lang ngayong dalawa sa loob nitong kwarto nya habang bahagya lang syang nakaupo sa kama’t nakasandal ang likod sa headboard.
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin but I'm more concern sa kalagayan nya dahil sa isang tingin lang ay malalaman mo agad na ilang araw nang hindi mabuti ang lagay nya.
Even her voice, it sounds so ill.
“Ever since you were a child.. you've never been a headache to me. You always care for mama. You're always with me whenever I was left alone because your siblings and dad prioritizes their businesses more..”
Tahimik na nakikinig lang ako pero nanlalabo na ang mga mata ko sa nga luhang hindi ko na talaga kaya pang pigilan.
Naaalala ko kasi yung mga panahong tinutukoy nya.
“That is why I was never and will never be ashamed to tell anybody that you're my favorite amongst my children even though you're not my own. Because you.. you're the only one that made me feel like I have a child. That I am a mother.”
Pagpapatuloy nya pa kaya halos gamitin ko na ang suot kong long sleeve t-shirt pangpunas sa buong mukha ko.
Maraming kasinungalingan ang kailangan kong ipalabas para sa ginagawa naming pagpapanggap ni Ingrid pero may iba parin na nanatiling totoo.
Kasama na roon ang pagiging ampon ko.
Kinumkop ako ng pamilyang Luxeville sa napakamurang edad matapos pumanaw ang tunay kong ina na kasambahay at pinagkakatiwalaan nila noon.
Nabuntis lang daw si mama ng kung sinong puncho pilato’t nagpawang hit and run lang kaya simula ng malaman nitong buntis sya hanggang sa maisilang ako ay wala syang katuwang sa lahat-lahat kung di ang mag-asawang Luxeville.
Mahabang kwento kung bakit wala ring kamag-anak si mama kaya nung bawian ito ng buhay sa murang edad ay tanging mag-asawang Luxeville lang ang natatanging nagprisentang kupkopin ako.
YOU ARE READING
𝐋𝐈𝐌𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 (𝐆𝐗𝐆) (𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄
Любовные романы𝐈𝐍𝐆𝐑𝐈𝐃 𝐗 𝐘𝐙𝐄𝐍 I fell late but I fell harder Vahn. So hard that I can't even breathe when you're near me. I'm so drown by the love I have for you but I couldn't care less because you own every bit of me. ...