𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑

557 60 4
                                    

A/N;
Isisingit ko lang at baka makalimutan pa.
This letter was written by Yzen way before the incident inside Ingrid's office.
  

MKIDH,

   Hindi ako nagsisisi. Wala akong makapang ganung pakiramdam ni katiting manlang sa ginawa ko sa asawa mo pero hihingi parin ako ng tawad dahil sa hindi ko pagrespeto sayo mismo at sa privacy mo. 

Hindi ko intensyon na bastusin ka sa pamamagitan ng pag sunod-sunod sayo saan ka man magpunta pati narin ang paglalagay ko ng sandamak-mak na kamera sa kahit saan mang sulok ng bahay nyo noon.

Maling-mali pero wala na akong maisip na ibang paraan upang mabantayan ka sa kamay ng masahol pa sa hayop mong asawa. 

Kung bakit ba kasi.. bakit pa kasi sya pa?

Matatanggap ko naman eh. Matatanggap ko kahit sino pa ang piliin mo noong mahalin at pakasalan dahil labas na ako’t walang pakialam sa bagay na yun pero bakit sya pa na buong buhay ko nang pinagplanuhang burahin sa mundo? 

Alam kong walang katumbas ang galit na nararamdaman mo para akin dahil sa mga ginawa ko at sa araw-araw na pinaparamdam mo yun sa akin ay mas lalo kong napagtanto kung gaano mo sya kamahal.

Bagay na isa sa napakaraming  hinahangan ko sayo..

Nag-aaral ka pa nga ng batas upang maipakulong lang ako hindi ba? dahil hindi ka naman matutulungan ng pinakamagaling na abugado sa mundong ‘to dahil nagkataon pang si papa ang taong yun. 

Iniisip ko nga na kung nagkataong hindi pa kampi sa akin ang papa ay siguradong matagal na akong napapaligiran ng rehas. 

Naisip ko rin na darating din ako sa puntong yun na mabubulok sa kulungan pero sana.. ikaw ang makagawa nun.

Nakakatawa man pero gusto kong galingan mo ng husto sa pag-aaral ng batas nang sa ganun ay matalo mo si papa. Hindi naman imposibleng mangyare yun dahil hindi pangkaraniwan ang talinong taglay mo kaya malaki ang tyansang malamangan mo pa ang papa. 

Ang totoo kasi nyan, hinding-hindi ko isusuko ang sarili ko sa batas kahit anuman ang mangyare kaya kung gusto mong maipakulong ako ay kinakailangan mo talagang galingan ng husto.

Kapag dumating ang oras na yun, sinisiguro’t maaasahan mong ako pa ang unang-unang babati sayo ng 'congratulations' dahil nagbunga narin sa wakas ang mga pinaghirapan mo. 

Mukhang imposible’t hindi kapanipaniwala pero ganun lang talaga kita kamahal. 

Handa akong ipagdiwang ang mga bagay na ikatutuwa mo ng husto kahit kapalit pa nun ay ang pagkuha sa sarili kong buhay. 

Mahal kita higit pa sa inaakala mo.. 

Sobrang mahal na mahal at hinding-hindi ko pagsisisihang minahal kita ng ganito.

Pero sana.. dumating ang panahon na tuluyan kong makalimutan ang nararamdaman kong ‘to para sayo dahil sobra ring sakit eh.. 

..sobrang sakit sa paraang hindi ko na maipaliwanag.

𝐋𝐈𝐌𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 (𝐆𝐗𝐆) (𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄Where stories live. Discover now