𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 9

951 78 4
                                    

                 YZEN

"Sa wakas" naisaboses ko nalang kasabay ng pag-inat ng balikat at binti habang nakaupo rito sa damuhan.

Matapos yun ay inilagay ko naman ang dalawang kamay sa likod upang magsilbing pondasyon dahil hindi pa ako nakuntento't pinag-ekis ko pa ang dalawang paa sabay tinangala sa napakagandang kalangitan.

Ang ganda ng panahon pero hindi ko ramdam at pansin yun kanina habang kasama ko yung tiyanak.

Dinakdakang tutubi naman kasi ang isang yun. Kaliliit-liit apaka arogante't walang modo.

Ano nga bang aasahan ko eh may bahid ni tanders dugong nananalaytay sa ugat nun.

Mahilig naman ako sa bata pero pag dating sa mga ganung may attitude, nevermind nalang.

Kotang-kota na ako sa mga maldita't maldito sa paligid ko.

Napag-alaman ko ring hindi pala yun anak ng kapatid ni mama dahil ayun sa kanya, si Zéphamyne ang mommy nya na pamangkin ni papa't pinsan naman nina Ingrid.

Sa madaling salita, mali-mali ang dinig at intindi ko sa sinabi kanina ni mama.

Sumakit pa ulo ko kanina kakaisip kung bakit hindi ko pa nakita kahit kailan ang batang yun.

Kung pamangkin kasi sya ni mama't isang menopausal baby kaya ganun pa yun kaliit, imposibleng hindi ko malalaman at makikita yung bata dahil madalas namang bumisita rito yung mga kapatid ni mama na dalawang babae't isang lalaki.

Kaya nung sinabi nyang anak sya ni Zéphamyne ay doon lang nagkasense ang lahat dahil matagal-taga ko naring hindi nakikita yung babaeng yun kasama yung isa pa nilang pinsang si Ivyne.

Samantalang yung isa nilang pinsang si Erin ay nandito lang sa Pilipinas at paminsan-san ay nakakatagpo ko.

Hindi kasi katulad nina Zéphamyne at Ivyne, tahimik lang yun na kinususuklaman ako.

Apat kasi yan silang magpipinsang babae ni Ingrid at yan din silang apat ang magbe-bestfriend simula pa nung tsupon days nila.

At dahil magbestfriend sila, hindi naman na siguro kayo magtataka kung sabihin kong sobrang kinamumuhian at sagad kinailaliman rin ang galit sa akin nung tatlong pinsan nya.

Pero teka, kung nandito si tiyanak, ibig-sabihin nandito rin nanay nya.

Napaayos naman ako ng upo.

Ang kaso nasaan? wala naman kasi akong nakitang bakas nung babaeng yun sa loob kanina magpahanggang ngayon.

Yaya lang kasi ni tiyanak yung lumapit sa amin kanina't sinabing uuwi na sila.

Bagay na ipinagpasalamat ko naman ng sobra kaya heto ako ngayon sa hardin at parelax-relax nalang.

Hindi ko pa lubusang naayos yung mga nasirang pananim rito kaya wala na yung sigla't ginhawang palagi kong nararamdaman tuwing nandito ako.

Hindi naman kasi ako pinapayagang magkikikilos nitong mga nakaraan nina papa't mama at parang bata lang na limitado ang pwedeng gawin habang nakawheelchair pa.

Bukod pa roon ay ayoko ring may ibang mag-aayos nito kaya wala talagang mangyayare dito.

Pero dinabale, narito narin naman ako sisimulan ko na paunti-unti.

Mamaya ko pa sana balak umarangkada sa pag-aayos pero parang hindi ko na kayang patagalin pa kaya napagdesisyonan ko nang tumayo.

Pero hindi naging ganun kadali ang lahat nang makaramdam ako ng labis-labis na sakit sa ulo dahilan upang mapasalampak akong muli sa kinuupuan ko kanina.

𝐋𝐈𝐌𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 (𝐆𝐗𝐆) (𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄Where stories live. Discover now