𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 13

729 60 6
                                    

YZEN

        Three years later..

"Are you ready?"

Natigil ako sa pagmamasid ng mga nagsasayawang punong matatanaw lang rito mula sa aking silid nang marinig ang malambing at malumanay na boses na iyan ng aking ina.

Bago ko pa man sya lingunin ay kusa nang gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil alam kong ganoon rin sya.

My mum always looks extremely happy when she sees me.

She has this sophisticated and unapproachable look on her face pero pagdating sa akin ay kusang nagliliwanag ang awra nya na para bang tuwang-tuwa sya palaging makita ako.

Same goes to my father.

Bagay na palaging nagpaparamdam sa akin kung gaano ako kabless sa kabila ng lahat-lahat dahil mayroon akong magulang na katulad nila eventho I'm not really their own blood and flesh.

Yes I'm adopted. They already informed me about that fact way sooner dahil hindi raw magiging maganda kong sa ibang tao ko pa malalaman.

"Wonderful! now let me take you downstairs so we can go" Maligalig nyang saad matapos kong tumugon ng simpleng tango.

"Diego, Lexter, get these things out already. We gotta go" dagdag nya pa at wala pang dalawang segundo ay lumabas na sina kuya Diego at Lexter na kabilang sa mga inatasan nilang umalalay sa akin rito lalo na pagtading sa mga mabibigat na bagay na hindi ko pa kayang buhatin.

Yung kakaunting bagahe ko nga pala ang tinutukoy ni mama na kailangang ilabas dahil ngayon ang alis namin papunta sa bansa kung saan raw ako lumaki na syang lugar rin kung nasaan ang 60% na negosyo nila ni papa.

It's no doubt the most important place in their heart kaya hindi ko maintindihan kung bakit tutol ang mama na dalhin ako sa lugar na yun.

Yes, mukha syang masayang-masaya ngayon at excited na aalis na kami pero alam kong nagkukunware lamang sya para hindi ko mahalatang ayaw nya talaga akong dalhin roon.

Nagkataong narinig ko lang kasi ang pagtatalo nila ni papa noong nakaraang linggo tungkol sa pagpunta namin sa bansang yun kaya wala syang ideya na may alam ako sa kung ano talaga ang tunay nyang nararamdaman ngayon.

I don't have any clue why she opposed on going there too much but knowing my mother, there must really something in that place that will do no good to me.

Hindi ko rin alam kung anong nagpapayag sa kanyang dalhin ako roon kaya heto ako ngayon at nakikisabay nalang sa agos.

And oh, Pilipinas nga pala ang tawag sa bansang pupuntahan namin at ang ginagamit kong lenguwahe ngayon ay mula roon.

Since doon raw kasi ako lumaki, ang lenguwahe rin doon ang rumehistro agad sa utak ko at higit na nakakalamang sa lahat ng lenguwaheng matututunan ko.

Mabilis lang naman nangyare ang lahat at namalayan ko nalang na nandito na kami't kasalukuyang sakay ng private pagmamay-ari nila mismo.

Aware naman akong hindi pangkaraniwan ang yaman ng mga umampon sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilang mamangha kapag nakakasaksi ako ng mga bigtime rin nilang pag-aari.

"How is it buddy?" rinig kong tanong ni papa na nasa harapan ko lang at kasalukuyang itinatabi ang dyaryo na kanina pa nito abalang binabasa. "Is it good?" dagdag pa nito na tinugon ko naman ng sunod-sunod na tango habang may malaking ngiti sa labi.

Ang pagkaing kasalukuyan kong nilalantakan ang tinutukoy nito at kahit siguro hindi ako nito tanungin ay alam kong malalaman parin nitong gustong-gusto ko ang kinakain dahil hindi ko yun maitatago sa pagmumukha ko.

𝐋𝐈𝐌𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 (𝐆𝐗𝐆) (𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄Where stories live. Discover now