𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 5

1K 77 3
                                    

YZEN

"Teka, asan nga pala sya ngayon?" parang tangang tanong ko nalang sa sarili nang mapagtanto kong hindi ko nga pala alam kung saan ko susunduin yung babaeng mahal ko.

Sa main office nya ang agad naisip kong puntahan pero sa sobrang busy nya ay baka wala akong madatnan do'n.

Ayoko naman syang tawagan tyaka si mama para magtanong dahil wala lang. Ayoko lang.

Dibale, tutuloy nalang ako sa main office nya tutal malapit na rin naman ako do'n.

Pero dahil ibang level ang traffic rito sa maynila lalo na't gabi pa, halos isang oras pa bago ako nakarating sa dambuhala't pagkataas-taas nyang kompanya.

Pambihira. Hindi naman masyadong halata na sya pinaka successful na negosyante sa lahat ng mga negosyante sa hitsura't laki palang nitong kompanya nya.

Nakakalula.

Ilang beses na akong nakapunta rito pero hanggang ngayon ay nalulula parin ako.

"Good morning po boss Zen" bati agad sa akin nila kuya guard pagkalabas ko palang ng sasakyan.

Dito lang ako pumarada sa harap ng kompanya dahil hindi naman ako pumapasok ng deritso roon sa parking lot nila.

"Magandang umaga rin mga bossing, nandito po ba si ate?" walang paligoy-ligoy kong tanong matapos silang batiin pabalik para makaalis na ako agad kung sakaling wala rito yung sadya ko.

Syangapala, kaibigan ko 'tong sina kuya Jemboy tyaka kuya Toto dahil sila ang mga kakwentuhan ko noon pa tuwing sinusundo ko rito yung amo nila.

Gano'n din 'yong mga kapalitan nila na sina kuya Jako tyaka kuya Dodoy. Pang gabi sila kaya mamaya-maya lang ay nandito na ang mga yun.

"Nandito boss, hindi pa umaalis" tugon ni kuya Toto kaya napa YES! nalang talaga ako with suntok pa sa ere.

"Tuwang-tuwa boss ah" si kuya Jemboy na may nakakalukong ngiti.

"Abah syempre naman, para sa kinabukasan" biro ko pa na ikinahagalpak nila ng tawa.

Kapag talaga kalokohan ay kuhang-kuha nila. Hindi nakakapagtaka kung bakit nagclick kaming tatlo haha.

"Tawagan ko na ba si Christine boss?" tukoy ni kuya Jemboy sa sekretarya ni ate Ingrid para ipaalam na nandito ako sa labas.

"Sige, anong oras narin kasi, baka malate yun sa date nila" abah, ang layo pa naman no'ng tagaytay samahan pa ng malupetang trapik.

"Musta boss, tagal narin nating hindi nagkita ah, namiss namin yang gwapo mong mukha" si kuya Toto matapos ko syang akbayan.

"Oo nga eh, sa farm kasi ako madalas. Kaso hindi ko kayo namiss eh" biro ko pa na ikinahagalpak nya lang ulit ng tawa.

Ang totoo kasi nyan ay meron pa nga akong dinala para sa kanila.

Pasalubong ba.

Parang galing lang abroad noh? haha.

"Yun lang-

"Teka bossing may kukunin lang ako sa sasakyan, para sa inyo yun" putol ko sa sasabihin nya nang maalalang wala pala akong bitbit pagbaba kanina.

"Nakz, iba ka talaga boss" aniya na tinugon ko lang ng mahanging kindat na may kasamang patunog dila.

Poging-pogi lang sa sarili ba haha.

"Heto bossing madadala nyo pa to sa pamilya nyo mamaya" ani ko pagkabalik ko sa pwesto nila bitbit ang mga paper bag na may lamang pagkain. Binili ko yun sa restaurant na palagi kong pinagbibilhan kapag ganitong gusto ko silang bigyan ng makakain. "Heto naman po kina kuya Jako tyaka kuya Dodot" tukoy ko sa dalawa pang paper bag na may kapareho ring laman. Apat na paper bag kasi ang bitbit ko bale tig-iisang bag sila.

𝐋𝐈𝐌𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 (𝐆𝐗𝐆) (𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄Where stories live. Discover now