YZEN
MAHAPDI at mainit. Yan ang nararamdaman ko habang pilit na iminumulat ang mga mata’t iginagalaw ang katawan subalit hindi ko magawa.
Ilang minuto rin ang lumipas saka ko napagtantong may mali sa paligid lalo na sa kinalalagyan ko.
Yung dahan-dahan kong kilos ay unti-unting naging pagpupumiglas dahil kasalukuyan na palang nakatali ang dalawa kong kamay sa likod ng kinauupuan ko.
Habang abala sa ginagawa ay naimumulat ko narin ang mga matang nanlalagkit na pala sa dugo kaya hirap akong maibuka ang mga ito.
Natitiyak kong dugo yun dahil amoy na amoy ko ang malansang amoy ng mga yun.
“Sinong nandyan?! lumabas kayo mga duwag!”
Hindi ko mapigilang sigaw nang tuluyan ko nang nakita ang dahilan kong bakit init na init ako’t nakakaramdam ng hapdi sa buong katawan dahil literal na gagawin yata akong letchon dahil napapalibutan ako ng nagbabagang apoy.
Sobrang hapdi ng mga yun sa balat pero sa tingin ko’y hindi naman makakamatay at makakasunog dahil parang sinadya ang mga yung hindi muna ilapit sa akin.
Samantalang yung mga kamay ko na naman ay wala paring nangyayare dahil naglalakihan pa yatang gadena ang ginamit pang gapos kaya hindi ko na sinubukan pang tanggalin yun.
Bakit pa eh masasayang lang effort ko.
Hindi ko alam kung paano ako napunta rito pero halata namang nadukot na naman ako ng kung sinumang utak talangka.
Pero kahit papaano ay bilib ako rito sa pinagdalhan sa akin dahil sa halip na dalhin ako sa abandunadong gusali ay dito ulit sa bagong-bago’t hindi pa yata nagagamit.
Napakahusay. Alam na alam ko na agad kung sinong may pakana ng lahat ng ‘to.
“Feeling hot Ludwig?”
Speaking of the ugod-ugod.
Ayan na nga sya’t parang reyna ng mga tarantulang nakaupo sa di-andar nyang wheelchair habang nasa magkabilang gilid at likuran nya ang mga naglalakihan nyang mga tauhan na pare-pareho rin namang walang kwenta.
Wagas sya kung makangisi sa akin gawa malamang ng nakikita nyang kalagayan ko.
Pero dahil gusto ko syang lalo pang matuwa, nginisihan ko rin sya’t sinagot ng—“Matagal na akong hot tanda. Eh ikaw? pabulok ka nang pabulok sa tuwing nagkikita tayo ah”
Agad naman rumehistro ang pagkairita sa mukha nya’t unti-unting nabura ang ngising kanina lang ay suot-suot.
Samantalang ako nama’y napapailing nalang habang pinagmamasdan sya at ang mga tauhan nya sa taas.
Sylvia, Sylvia, wala ka parin talagang kadala-dala.
Kung hindi nyo kasi maitatanong ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong pinadispatsa ng matandang yan para maipaghiganti ang pagkawala ng anak tyaka apo nyang walang iba kundi ang hayop at walang kasing baboy na mag-amang Preston.
“Wag kang mag-alala kaya pa ng formalin yan”
Banat kong muli kalaunan upang lalo syang matuwa.
Mabuti nalang at pikunin ang isang yan kaya habang inaasar ko sya ay may panahon akong tanggalin ang gadenang nakatali sa kamay ko.
“Wala ka talagang modong hayop ka kahit kailan!”
Gigil na gigil nitong sigaw at agad na hinablot ang baril ng pinakamalapit sa kanyang tauhan para paputukan ako pero dahil sharp shooter ang lola nyo, natamaan nya ang lahat sa paligid ko maliban sa akin.
YOU ARE READING
𝐋𝐈𝐌𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 (𝐆𝐗𝐆) (𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄
Romance𝐈𝐍𝐆𝐑𝐈𝐃 𝐗 𝐘𝐙𝐄𝐍 I fell late but I fell harder Vahn. So hard that I can't even breathe when you're near me. I'm so drown by the love I have for you but I couldn't care less because you own every bit of me. ...