𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 16

730 46 9
                                    

YZEN 

That name again.. bakit ang hilig nya akong tawagin sa ganyan? 

Parang sya lang kasi ang tinatawag ako sa pangalawa kong pangalan. 

Hindi naman sa bawal akong tawagin sa ganun pero nakakapanibago lang talaga dahil hindi yan yung nakasanayan kong tinatawag sa akin. 

Tyaka sorry saan? 

“May kasalanan po kayo sakin?” wala sa sarili kong tanong kahit may posible na akong sagot na naiisip. 

Yun ay baka nasusungitan nya ako noon dahil baka hindi nya ako tanggap bilang kapatid at tutol sya sa pag ampon sa akin. 

Imposible naman kasing wala ni isa sa kanilang galit nung inampon ako lalo na’t ganitong tinuturing talaga akong totoong anak ng mga magulang nila. 

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya pero kitang-kita ko ang pangingintab ng mga mata nya’t nagbabadya ng umiyak kaya ganun nalang ang pagpapanic ko. 

Pero bago pa man ako tuluyang mataranta ay bigla na lamang sumulpot sina Cindy at Jeprox na walang sabi-sabi akong tinangay kasama nila. 

Litong-lito tuloy ako habang nakasampa rito sa wheelchair dahil hindi manlang kami nagpaalam kay ate’t iniwan nalang sya roon bigla. 

“T-Teka, anong nangyayare? saan nyo ‘ko dadalhin?” lito kong tanong sa dalawang pinagtutulungan akong itulak kaya para na akong lilipad sa bilis ng andar nitong wheelchair. 

Tapos hindi ko pa pwedeng i-lock yung gulong dahil baka hindi ako makakapit ng mahigpit at tumalsik nalang ako bigla. 

Parang gusto ko na tuloy magsisi na tinanggihan ko yung power chair na suggestion ni mama noon dahil lang sa nalalakihan ako masyado. 

Laking pasasalamat ko nalang nang huminto naman sila nung malapit na kami sa labasan papuntang hardin dahil may shortcut rito papunta roon. 

“Ako ba balak nyong patayin na dalawa?” maktol ko sa kanila pero sa halip na humingi ng pasensya ay nagtangka pa silang sumampa sa akin kaya dali-dali akong umatras.

Humanda talaga ang mga ‘to kapag nakakapaglakad na ako. 

“Biro lang Pal, halika dun tayo sa hardin” parang wala lang na saad ni Jeprox samantalang si Cindy naman ay pumwesto na sa likuran ko. 

“Relax ka lang dyan mahal kami bahala sayo”

Isa rin ‘to. 

Bago pa man nya ako maitulak ay nilock ko na ang gulong. 

“You two definitely are trying to kill me. Tyaka saan ba kayo galing ha? bigla-bigla nalang kayong sumusulpot” parang hindi na bumalik sa kalmado yung tibok ng puso ko dahil sa kabang naramdam kanina. 

Nakakatakot kasi talaga lalo pa’t hindi pa masyadong magaling yung lagay ng ulo ko. I may look alright but I'm still undergoing treatment dahil hindi naman daw simple yung brain injury ko para gumaling ako agad. 

It's just I'm better but not completely better nor healed. 

“Sorry na mahal, may surprise kasi kami para  sayo” 

 

Si Cindy na tuluyan nang umalis sa likod ko kaya doon ko lang napansin na may hawak-hawak pala syang bag na parang lagayan ng laptop. 

“Nakalimutan nya kung saan nya nailagay kaya tinulungan ko muna syang hanapin” segunda naman ni Jeprox kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Pero syempre doon natin pag-usapan sa hardin”  dagdag pa nito kaya wala rin akong nagawa kundi ang pumayag dahil mukhang importante yung sinasabi nilang surprise. 

𝐋𝐈𝐌𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 (𝐆𝐗𝐆) (𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) 𝐅𝐑𝐄𝐄Where stories live. Discover now