Hiniling kita sa buwan.
Hiniling kita sa araw.
Hiniling kita sa kalawakan.
Ngunit ang itinakda pala sa akin ay hindi ikaw.
"Ilang taon na ba ang nag daan?"
Alam mo bang bilang ko ang mga araw at buwan?
Noong nag bukas ang pintuan,
At bumungad ang taong pinangarap ko simula pa lang
Pero ayon pala sa ibang kabanata ka nakalaan.
Napakalapit mo pero napakalayo
Napakalinaw mo pero napaka-labo
Abot kamay ka ngunit magkahiwalay
Ako ang araw at ikaw ang buwan
Sa pagdating niya, ikaw naman yung lilisan.
Sana dumating na muli yung panahon
Para sabay naman tayong sasagwan sa buhay na maalon.
YOU ARE READING
Unloved
Poetry"Unloved: Another Chance for Love" is a captivating collection of narrative poetry by DARK that delves deep into the complexities of human emotion and strength. Through a heartfelt verses, the book takes readers on a journey of healing from heartbre...