Sana sa araw ng bukas, hindi na ikaw. Sana wala ng pana ang muling maliligaw. Parang pinto mo na sa araw araw ay sarado, sigurado na 'ko. "Di na ipipilit ang sarili sa mundo mo."
Bakit nga ba ginugulo ang sarili? Hindi na nga pinili, pero parati na lang ang sarili sinisisi. Lubos ka raw kasi mag mahal? Naiilang sila. Nanliliit ang iba. Tinutupok sila ng paga-alinlangan, ng hiya, ng pait, pighati, at kaba. At sa gabing hindi payapa ang tulog mo, sa pag-lalim ng gabi habang nakataklob ang sarili sa makapal na kumot. Habang nanabik ka sa presensya niya, habang lumalim ang pagmamahal mo sa kaniya. Nagtataka siya — nagtataka sila.
Kakaiba ka, hindi dahil mas matimbang yung kaya mong ilaan, 'di dahil lamang ka sa pamantayan. Kakaiba ka kasi kahit di sila makasabay, kahit pa na alam mong hindi sila makakasakay, kahit alam mong ayaw nila bumyahe sa mundo mo habangbuhay. Isang daang porsyento, ang handa mong ibigay.
Kung hindi man papalarin, kung hindi ka man mapapasakin. Kung hindi ka man ma-a-akit. Hindi na muling itatanong; "kung pwede ba na sakin ka na lang." Isa lang, dalawa na lang — hanggang sa palagi na lang.
Ako na naman itong naiwan.
YOU ARE READING
Unloved
Poetry"Unloved: Another Chance for Love" is a captivating collection of narrative poetry by DARK that delves deep into the complexities of human emotion and strength. Through a heartfelt verses, the book takes readers on a journey of healing from heartbre...