Chapter 18

3 1 0
                                    


Hindi naman talaga natatapos ang proseso ng paghilom.

Sa mga tahimik na sandali, may kirot pa ring mamumutawi. Sa maliliit na bagay, may babalik na alaala't magdudulot ng hapdi. May sakit, kahit kaunti. May bigat, na 'di mo maitatanggi. Nakaantabay lagi - inaabangan kung kailan mahina ang sarili. 

Saka ito muling kakatok at maniningil ng mga araw na 'di ka lumuha. Magpapaalala na nandito pa rin siya—sa'yo, sa puso mo, bahagi siya ng 'yong buong pagkatao. Kahit lumipas na ang mahabang panahon, may mga pirasong hindi maghihilom. 

Marami ay magiging permanenteng marka. Hindi na mabubura. Kahit anong babad o kuskos. Kahit anong hilot o gamot. Hindi na mawawala, para hindi ka lumago at lumaya.

UnlovedWhere stories live. Discover now