Ang totoo niyan, nanalig siya sa kalungkutan tulad ng pagtatapat sa isang matalik na kaibigan na tanging katahimikan lamang ang maia-alok.
Gaano nga ba kahaba ang sandali?
Humahagabis na ang jeep sa daang aspaltado, wala ng alikabok na susuot sa ilong, susurot sa mata, magdadala ng ubo't hika.
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Maisusulat ko, halimbawa: "Mabituin ang gabi at nanginginig, bughaw ang mga tala sa malayo. Pero di kailanman makakalapit sa'yo"
"Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi."
Minahal ko siya, at sa mga oras na 'minamahal ko siya', walang kamalay malay na humihina na ang pwersa
Sa mga gabing ganito, ibinibilanggo ang unan sa mga bisig.
Paulit-ulit na hinahagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Maiisip na kahit kailan hindi siya naging akin.
Maririnig ang gabing malawak,
at mas lumalawak kapag wala siya.
Mas nakakabingi kapag 'di naririnig ang hagikhik niya.
Hinahanap ng tenga ang simoy upang hipuin ang kaniyang pandinig.
Nasa iba.
Siya'y nasa iba na. Tulad noong napanaginipan kong may katalik siyang iba.
Napakaikli ng pag-ibig,
"...pero bakit napakahaba ng paglimot?"
Ayaw ko i-asa sa kaniya ang aking pandama,
Pero hindi ko maikakaila:
na siya ang pinakamalalim kong lumbay,
siya din yung pinakamababaw kong ligaya.
YOU ARE READING
Unloved
Poetry"Unloved: Another Chance for Love" is a captivating collection of narrative poetry by DARK that delves deep into the complexities of human emotion and strength. Through a heartfelt verses, the book takes readers on a journey of healing from heartbre...