CHAPTER 23

36 0 0
                                    

YUMI SANCHEZ POV

Hindi maproseso saakin ang sinabi ng kakambal ni Zyrous. Si Zay Lee kapangalan siya ng asawa ko.

"Are you okay? Is anything wrong to my name Miss Mimi?"  salitang yan ang laging sinasabi saakin ni Zay ang asawa ko.

"Totoo ba to?" Sambit ko.

"What? what  are  you saying?" Takang tanong nito saakin kaya napatingin ako sa kanya. Naguguluhan ako, bakit? May kakambal si Zyrous at ang pangalan ay Zay Lee.

"Kailangan ko ng umalis, may trabaho pa pala ako, " pagtayo ko saaking inuupuan ng hawakan niya ang aking pulsuhan.

"Is there any problem? Did I call your name incorrectly?" Tanong nito saakin na ikinailing ko naman.

"Wala, may trabaho pa kasi ako kaya excuse me." pagtabig ko sa kamay niyang nakahawak saakin.

"Excuse me," pagyuko ko bago lumabas sa opisina ni Zyrous. Naglalakad akong naguguluhan, ano? sino?

"Ate, kumusta? nalaman namin na bumalik na pala ang kakambal ni Senorito Lee." paglapit saakin ni Mia kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

"Alam niyong may kakambal si Zyrous?" Tanong ko.

"Hindi, ngayon lang," sagot saakin ni Mia kaya agad akong umalis saaming pagsasalita. Anong nangyayari?

Nadatnan ko pa si Zyrous na madilim ang tingin saakin. Napatingin ako sa kanya bago umiwas at naglakad paalis.

Kailangan kong makapag-isip ngayon ng mabuti?

"Ija, saan ka pupunta?"sigaw saakin ni Manang ng lumabas ako sa gate ng mansyon. Ewan ko, hindi ko alam naguguluhan ako...

Pumara agad ako ng taxi bago sumakay.. hindi ko alam kong ano ang iisipin ko. Mababaliw naako.

"Miss, okay lang po ba kayo?" Tanong saakin ng driver.

"Magmaneho  nalang  po kayo Manong," sambit ko na ngayon ay gulong-gulo ang iniisip. Paano?

Sino?

Ilang oras ay agad akong lumabas ng taxi at tinakbong pumasok sa aking munting bahay. Pumunta agad ako saaking kwarto na kung saan ko nilagay ang ala- ala namin ni Zay.

Ginulo ko ang mga gamit ko haggang sa makita ko ang munti naming larawan na nakangiti.

"Zay!" Iyak na hawak ko sa mukha nito sa litrato niyang nakangiti.

"Naguguluhan naako," iyak na paglandas ng mga luha ko. Gulong-gulo naako. Mahal ko si Zyrous pero dumating ang kapangalan mo si Zay Lee ang kakambal rin ni Zyrous.

"Alin ka sa dalawa? gulong-gulo naako?" Iyak na pagtingin ko sa kanyang litrato. Ito ba ang sinasabi saakin ni bathaluman na pagsubok na pagdadaanan so pwes hindi ko kaya ang pagsubok na ito, naguguluhan ako.

"Pagod naakong maghintay sayo, kaya pinili ko si Zyrous na mahalin pero bakit may isang dumating."

Series2# WAITING FOR HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now