CHAPTER 35

52 1 0
                                    

                  YUMI SANCHEZ POV

Limang araw ang lumipas...

"Ija, kumain kana dito!" Sigaw saakin ni tita Yanni. Limang araw naakong namamalagi dito sa motel. Masaya akong kasama sila. Ang gaan sa pakiramdam nakikita ko silang masaya.

"Salamat po, Tita,"

"Mama nalang, ija," sambit  naman ni tita Yanni. Nandito kasi kami ngayon sa labas nag-aalmusal.

"Po?"

"Don't mind her, ija," hawak saakin ni Tito Yahn saaking balikat.

"I'm sorry," malungkot na paghingi ng paumahin ni tita Yanni saakin.

"Okay lang po, Mama," sambit ko. Nagulat naman sila sa ginawa ko, kalaunan ay ngumiti kaya ngumiti na lamang ako. Sa limang araw kong nandito ay nakilala ko ng lubusan ang pamilyang Uayi.

"It's okay Yumi, ganyan talaga si Mama," pahabol ni Kuya Yanz.  Ngumiti naman ako ng tipid.

"Bakit po ba ang pangalan n'yo ay laging Y sa una?"

"Actually, ija. Yan talaga ang tawag saamin lalo't kami ang napakahuling diyo---- " di natuloy ang sasabihin ni tita ng takpan iyon ni Kuya Yanz ang bibig nito.

"Mom, your mouth," inis sa boses nito.

"I'm sorry, son," paghingi nito ng paumahin.

"Diyo po?" Napatingin ang tatlo bago saakin.

"Naniniwala kaba sa mga diyos at diyosa?" Seryusong tanong saakin ni Tito Yahn.

"Oo naman po, kabilang kaya ako sa mga diyo----"

"What?" Sabay na wika nilang tatlo.

"Ano po, kabilang ako sa mga naniniwala sa  alamat ng diyos at diyosa." muntik nayon hah.

"Ganon ba?" pagbuntong hininga nila.

"Kayo po ba? Mukhang di kayo tumanda?" Tanong ko. Nagkatinginan naman ang tatlo bago saakin.

"Is a long story, ija," sagot nalang ni Tita Yanni saakin. Ngumiti naman ako ng tipid at   kumain na lamang.

"Kailan kaba babalik, ija?"

"Bukas napo ako babalik sa city, salamat po talaga sa pagpapatuloy saakin. Ang ganda talaga ng lugar na ito." pasalamat ko. Ngumiti naman sila saakin.

"Always welcome, ija. Kung gusto mong bumalik, welcome na welcome ka  sa flowers motel." wika saakin ni Tito. Tumango naman ako at nagsimula ng kumain haggang sa matapos.

Naghuhugas ako ngayon ng mga pinag-kainan lalot wala akong pambayad. E kasi nakalimutan kong magdala ng pera kaya ayon wala akong pambayad. Mabuti mamabait ang pamilyang Uayi.

Series2# WAITING FOR HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now