Panimula

19 2 0
                                    

"HUY GUMALA naman tayo!"

"Ayan, ang daming plano, hanggang ngayon wala pang natutupad, tapos na graduation oh."

Sa isang bilog na lamesa, nakapalibot ang magkakaibigan na Maeve, Elvi, West, Beca, Aron and Kiel. Mula highschool ay matatalik na silang magkakaibigan, napapaisip nga ang iba kung pinatulan na nila ang isa't-isa dahil sa tatlong babae sila at tatlo naman silang lalaki.

"Seryosohan na kasi," inis na saad ni Elvi at tinapunan ng masamang tingin si Kiel.

"Sa'kin nanaman nakatingin ampota, hindi ko naman hawak buhay niyo," ngisi ni Kiel, alam kasi nito na karamihan ng plano nila ay hindi natutuloy dahil sakanya.

"Hindi pa ako sure, wala pa kasi ako na-aapplyan na university-"

"HA?"

OA naman Beca.

"Ewan ko ba kila mama te, ayaw ako pag-apply sa lahat, jusko isang state university lang inapplyan ko, palpak pa huhu lungkot na me," paawa ko sakanila, gusto ko na rin naman makasecure ng enrollment noh.

"Sus, meron ka na nga secured na date pero university wala pa," sabat ni West, agad naman na pinamulahan ang mukha ko dahil dito.

"Hala may kadate ka?" Gulat na reaksyon ni Aron, hindi kasi nagbabackread sa chika ng gc, always busy sa paglalaro.

"Oo, bakit heartbroken ka?"

"Ito heartbroken," ngumiti si Aron sakanya at nakataas ang gitnang daliri nito.

"Kailan date niyo? Atsaka saan mo ba 'yan nakilala?"

"Sa facebook, secret kailan date, basta malalaman niyo na lang," humagikgik ako at sinilip ang cellphone kung meron na siyang reply, lumiwanag ang mukha ko nung makitang meron na nga.

"Hmp, damot sa chika!"

"Te, nauudlot kasi tuwing kinekwento," nguso ni Maeve.

"Alam mo masyado kang nagpapaniwala sa mga gano'n, what's meant to be is meant to be," umirap si Elvi at tuloy-tuloy pa rin ang pangungulit habang bumabalik nanaman kay Maeve kung kailan niya nakilala ito.

Bangag na bangag pa ako, halos kagagaling ko lang sa celebration namin ng classmates ko, sponsored ng adviser namin na pinakamamahal, nag-swimming kami at light drinks lang, then puro kwentuhan at iyakan na dahil two years kaming magkasama. 

Block section kasi, kaya kung sino kasama ko Grade 11, sila rin kasama ko sa Grade 12. Ang dami rin issue naganap sa'min, mula sa research na ayaw tumulong o tamad iba to kopyahan or nakawan ballpen, hayst.

Sulit na sulit yung naging celebration naman, dahil alam namin na marami na sa'min ang uuwi na ng probinsya o kaya't lilipat na ng bahay.

Dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko, sinara ang bintana at tinakpan ng kurtina, nilock ang pinto saka naghubad, nagpalita na ng pantulog at humiga na sa kama. Naging malalim ang iniisip ko, parang hindi ako mapakali na ewan. Sumabay rin ang biglang pagbigat ng loob ko.

Maghihiwalay na kami ng mga kaibigan ko, hindi na katulad na araw-araw nagkikita at biglaan gumagala kahit singkwenta lang laman ng wallet tapos kung sino may pera pa, uutangan then babayaran na lang kinabukasan.

Ang lungkot bigla.

Pero mas malungkot talaga na grumaduate ako sa Senior High School na walang first kiss, grabe naman sumpa.

Ano ba 'tong buhay na 'to, puro aral at kaibigan lang, wala bang tikim 'man lang bago mag-college? Sabi sa'kin ni kuya hindi biro ang college e.

Aantukin na sana ako kaso mas lumakas ang tama ng pagiging malandi sa'kin.

His Breath of Fresh AirWhere stories live. Discover now