Kabanata 7

7 0 0
                                    

"TINATAMAD NA ako," reklamo ko kay Dionysus pagkababa ko na nakapambahay pa rin ako.

"Hindi pwede, nailagay ko na buong detalye ng pagkatao mo do'n, kapag ikaw nasaksak bigla isang araw," pananakot pa niya.

Umiwas na lang ako ng tingin, si mama iniirapan ako.

"Sumama ka na, Maeve, nakapangako ka na," leksyon pa niya at tumungo sa kusina, kukuha siguro ng maiinom.

Sabagay, nakapagbitaw na rin ako ng salita, hindi naman kasalanan ni Dionysus ang katarantaduhan ni Chandler!

"Kaya ba maghintay 30 minutes? Liligo lang ako saglit."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at bumalik na sa kwarto, nilatag ko lang sa kama ang isusuot ko at naligo.

Usually, nagbababad pa ako pero nakakahiya na kung hahaba pa lalo yung paghihintay niya sa'kin.

After ko magbihis, kilay at lipbalm lang nilagay ko and a small black shoulder bag to fit the look.

I already felt a bit better, to stop from ruining the mood, iniwan ko lang ang phone ko at hindi ko na lang rin inupdate si Chandler sa pupuntahan ko, he does that to me, wala namang masama kung ibabalik ko sakanya.

Pagkababa ko ay umalis na agad kami at sabi ni Dionysus na before 10 naman, makakauwi na kami. Buti na lang may sasakyan 'to, hindi ko pa naman mood para magcommute dahil sa sobrang init.

"Pakilala kita do'n sa mga kaibigan ko, hindi kami pare-parehas ng age so baka may makilala kang kaedad mo, ask for college tips," inform niya habang nakatingin pa rin sa daan.

"Sa August 2, entrance exam ko sa SNU, do'n na ako sure, pero if ever hindi ako pumasa baka mag SEC na lang ako. Doon sila West, Kiel at Elvi e."

Hindi na siya sumagot kaya mahinang tugtog lang nung playlist niya ang naririnig which is connected sa phone at car niya through bluetooth.

Itim na Ford Fiesta lang naman ito, graduation gift sakanya two years ago dahil graduate siya as valedictorian sa SDHNS, nanalo pa ng best leader sa feasibility study nila.

Wala siyang pinacustomize dito e, sa pagkakaalam ko.

"Malapit na tayo."

Golden City Sports Club, ito ang nakita kong nakasulat sa arko na pinasukan naming gate na malaki, actually hindi siya yung katulad sa mga subdivision na may tataas bababa lang na stick, as in heavy metal gate na automated magbubukas once i-press sa driver's side ang registered fingerprint.

Yayamanin...

As soon as we got in, tall buildings greeted us with pools na parang ginagamit for training sa mga water sports, maraming housekeeper ang nasa paligid, nagdidilig, nagwawalis at binubrush pa ang pavement.

All in all, the place looked like haven.

"Mali pala nainform ko sa'yo, motivational something itong pupuntahan natin. Not sure the name of the actual project, but you'll see," he shrugged and parked the car after a while.

"K po sabi mo e, tanggal muna ang kanal behavior dito, baka ma-cancel ka pa," ngisi ko.

"Ulol, ako ica-cancel? Over my handsome and delicious body?" eksaheradang niyang tanong at nanlaki pa ang mata.

Inirapan ko lang siya at bumaba na kami ng sasakyan, tinuro niya kung saan kami pupunta at nakita ko nga na parang mga kaedaran namin ang pumapasok na sa building na 'yon.

I'm not sure kung anong type ito ng design pero similar siya sa modern bungalow na mas malaki tapos hindi siya bahay style, basta 'yon.

"Living in 360."

His Breath of Fresh AirWhere stories live. Discover now