Kabanata 2

3 1 0
                                    

"BYE KUYA, ingat ka do'n, tapos lagi kang kumain sa tamang oras-"

"Ang drama naman ng paalam mo, mas matindi ka pa kila mama."

"Syempre kapag nawala ka, paano na ako? Wala na taga-bigay ng allowance ko," peke kong rason kahit alam ko na may allowance pa rin naman ako kahit di niya ako bigyan, tumatanggap na ng pension si papa, at palaging sa'kin napupunta bukod sa gastos sa bahay.

"Kita mo! Bahala ka sa buhay mo talagang panget ka."

"Eh, basta ingat ka kuya ah? Labyu, ay pwede ba ako makahingi allowance kahit wala akong pasok?"

Natawa sila mama at papa sa likod ko habang si kuya naman ay mapang-asar ang tingin.

"Wala ka talaga matatanggap na allowance kapag hindi mo pa inasikaso kung saan ka mag-aaral, sabi kasi sa'yo, sa international school ka na lang, yakang-yaka ko naman 'yon," mayabang niyang saad at may pa look sa far away na akala mo malayo ang tanaw.

Malayo talaga matatanaw niya dahil malayo mararating ni kuya, napakasipag at matiyaga nito sa buhay, kahit seaman naman si papa at kaya siyang pag-aralin, ipinilit niya maging working student at magbayad ng renta sa dorm.

Ayun ang naging usapan nila, si papa na bahala sa lahat basta siya sa renta niya para naman daw kabahan siya.

After two years na magtrabaho dito sa Pinas, nagtake na siya ng board exam and sa galing niya at awa ng Diyos, nag top 1 'yang panget na 'yan sa Architecture. Nakakuha agad siya ng regular spot sa Dubai, diba.

Hinila na ako ni kuya palapit at mahigpit na niyakap.

Nagulat naman ako nung medyo hinila niya ako palayo kila mama at papa saka naging seryoso bigla.

"Maeve, makinig ka ha, kapag meron lumapit sa'yo at may kung ano-anong sinasabi, ilapit mo muna sa'kin bago ka kumilos, ha?" diin ang tono niya sa bandang ilapit ko muna sakanya.

"So weird mo naman, sino naman lalapit sa'kin?"

"Basta, at siguraduhin mong pag-aaral aatupagin mo ha, hindi lalake!"

"Jusko kuya, maawa ka naman sa'kin, hindi porket hindi kayo nagkatuluyan ni ate Marx, paghihigpitan mo na ako para parehas tayong miserable!"

"Bwisit ka talaga, o sige na, papasok na ako, baka mahaba pila sa immigration."

Binitawan niya ako at lumapit kila mama't papa saka niyakap rin sila, maluha-luha ang mata ni mama habang nakatingin sa'min.

Dito na tumulo luha ko, alam ko ang susunod na pagkikita pa namin ay magpapasko pa.

"Bye kuya, love you, chat na lang ako kung saan mo isesend pera ko," nagbibiro pa ako para maalis 'man lang lungkot ko.

Umiling na lang siya at hinalikan ang taas ng ulo ko saka walang lingon na pumasok na sa loob.

"Pa, daan muna tayo sa mall, bibili lang ako bagong pots, nabasag yung nabili natin sa Tagaytay, yung gawa sa clay," pag-aya ni mama at kumapit sa braso ni papa.

"Kayo na lang muna ni Eliah, may pupuntahan lang ako kay Pareng Lito, may pinapatingin na makina e," paumanhin ni papa.

"Gano'n ba? E pano na 'yan, saan ka sasakay?"

"Hatid ko na lang kayo ni Eliah sa mall, commute na lang kayo pauwi o ipasundo ko kayo kay Joseph?"

"Sige pa, ipasundo mo kami kay Joseph, masyadong mainit magcommute at baka marami mapabili ko," sagot ni mama, humalik na si papa sa pisngi ni mama at parang nakalimutan na nag-eexist ako dahil tuloy-tuloy silang naglalakad.

"Hala grabe, binaon na lang ako sa limot?!"

Tawang-tawa sila at inakbayan na ako ni papa at tatlo kaming sabay-sabay bumalik na sa kotse.

His Breath of Fresh AirWhere stories live. Discover now