Kabanata 1

9 1 0
                                    

HINDI KO na tiningnan pa ulit yung app simula kahapon, after that notification, hindi ko na lang rin binother sarili ko na isipin pa kasi wala na nga ako sa mood.

But today, ginising na ako ng maaga ni papa para kumuha na ng requirements sa school, wala, kailangan ko na talaga gawin or else hindi na talaga ako makakapagcollege niyan, at ang bigat rin isipin noh kapag hindi ka pa enrolled.

Mahaba pa naman vacation, kasi most universities will start late.

Time check, 7:16AM, June 14th of 2023.

Hindi pa nagchachat si Benj kaya hindi rin muna ako nagchat.

Deciding to see kung may nag first move sa'kin sa dating app na 'yon bago ko i-delete, nakita ko ang bungad.

Nicholas, 19.

Liked you.

Hmm, close to my age range, icheck ko nga.

What the- ito yung mga type ko physically na itsura...

May salamin siya!

Kung nag-aaral 'to ngayon, ipupusta ko talaga lahat ng halaman ni papa na IT Course ang kinukuha nito.

Tapos ang height 172cm? What the fuck, ang tangkad. Ang gwapo niyang cute, nerdy vibes ba na mukhang may masarap pero masamang gagawin sa'yo.

Ano ba itong isip ko?

Tama ba 'tong naiisip ko? Gagawin ko ba?

NO, wag, hindi, wag ka mag-fifirst move, hindi ikaw 'yan kapag inunahan mo. Kumalma ka, hintayin mo siyang magparamdam at mauna, ano ba, Maeve, sasaktan kita.

Bahala na, paalis naman na ako ng bahay at wala munang wifi, malulunok ko pa ang kahihiyan ng gagawin ko.

June 14, 7:22AM.

Maeve, 18: Hii

Inexit ko agad ang app at nag-ayos na, dinouble check ko kung kumpleto na ba yung dadalhin ko, yung School ID, Original Report Card at PSA ko. Binigla naman ako ni papa na hindi niya na raw ako mahahatid kaya't magcocommute na lang ako papunta, alangan naman na ipilit ko.

Sumakay na ako ng tricycle at hindi pa rin nagbubukas ng data, mamaya na lang siguro. Kinakabahan pa ako e, dapat pala talaga uminom ako kape para mas lalo akong kinabahan at natakot.

Kasabay ko ngayon isa sa mga close friends ko na classmate ko na kukuha ng documents, si Kiel, kaya inopen ko na ang data ko para tanungin kung asan na siya.

Just in time, nagnotif ang dating app.

Nicholas sent you a message.

Eh?

Nagreply? Karamihan pa naman ng lalaki ayaw sa mga babaeng nagfifirst move. Kaya kinakabahan nga ako kasi ramdam kong hindi siya magrereply dahil based on my calculations, hindi, based on sa perspective na natanong ko na kila West before, minsan daw hindi nila gusto kapag babae ang first move.

June 14, 8:52AM

Nicholas, 19: Well this is a first

Huh, pinagsasasabi nito?

Maeve, 18: What do you mean?

Nicholas, 19: You did the first move, lol. It's usually me who does that

Nicholas, 19: How are you btw?

Napakagat naman ako ng labi para pigilan ang ngiti, kahit alam kong nakaface mask naman ako, mahahalata pa rin dahil expressive mata ko, dito pa naman ako sa gitna ng minibus nakaupo. 

His Breath of Fresh AirWhere stories live. Discover now