Kabanata 8

1 0 0
                                    

INALOK-ALOK PA ako, iiwan lang rin pala ako!

Busangot ang mukha ko habang nakatayo sa labas ng gate ng Golden City Sports Club, siguro mga fifteen minutes na akong nakatayo dito at nagcocontemplate kung magpapakita pa ba ang bwisit na Jaxon na 'yon or magbobook na ako ng Grab.

Nagpapaalam pa lang si Doc, umalis siya bigla ng walang salita, sinundan ko pero nawala na lang talaga sa line of sight ko kasi andaming taong nagsitayuan na para lumabas na rin.

Hayst, paano pala ako makakapagbook kung wala akong dalang phone, iniwan ko nga pala sa bahay.

Pag-uwi ko, makakatanggap kaya ako ng sandamakmak na messages kay Chandler? For sure oo, lalo na't nakaramdam rin ata 'yon na galit ako, alam niya na tuwing galit ako hindi ako nagcha-chat, so randomly nagsesend siya ng kung ano-ano para lang magkaroon kami ng conversation.

Maki-text kaya ako kay kuyang security guard para magpasundo kay kuya Joseph-

Hindi ko pala kabisado number niya! 

Wala ring kwenta.

Pero baka pwedeng maki-book ako ng grab sa phone ni kuya, pwede siguro.

Naglakad na ako palapit sa guardhouse, and tatawag pa lang sana ako nung may bumisinang sasakyan sa gilid ko.

Nilingon ko ito, at unti-unting bumaba ang bintana at sumilip mula rito si Jaxon!

"I'm sorry it took me a while, I forgot where I parked," he apologized and he looked sincere.

Hindi ko naman alam bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko, siguro kasi nagulat ako sa pagbusina niya, oo ayun lang 'yon.

Hindi na ako nagpabebe at sumakay na, pero sa loob ko parang hindi ako mapakali.

"Can you put in your address?"

Hindi ako umimik, basta tinype ko na lang sa parang television sa kotse niya, television niya, malay ko ba kung ano tawag rito.

Napansin ko na leathered ang interior at screaming luxury, tapos yung leather niya parang hindi yung typical yung smooth tapos ang komportable ng pwet ko nakaupo.

Hindi ko namalayan na hinahaplos ko na pala yung handle ng upuan.

"Fan of Taylor Swift?"

He spoke, breaking the silence, napakunot naman ang noo ko at tumingin sakanya. Saktong red light kaya tumigil sasakyan pero hindi siya lumilingon sa'kin.

"Huh? Paano mo nalaman?"

"You're wearing a Taylor Swift t-shirt," he commented, then finally looked at me.

Nagkatitigan kami, at parang kinakabahan ako sa kung paano siya tumingin, he broke our eye contact and diretso na muli ang tingin sa daan.

Para sa'kin nagiging awkward na ang atmosphere kaya nag-iisip ako ng mga pwede kong itanong sakanya-

Alam ko na, pwede akong magtanong ng perspective ng lalaki regarding kay Chandler, ma-offend kaya ito? Hindi naman siguro, I won't judge him for his answer naman.

"Pwede ako magtanong?"

"Hmm?"

Umayos ako ng upo at saglit na binuo muli ang tanong sa isip ko, "Tanong lang, as lalaki, paano kapag mas may inuuna siya sa'yo na hindi naman importante like laro gano'n, interested ba siya kapag gano'n?"

"No."

"Grabe! Hindi ka muna nagpaligoy-ligoy ng sagot, diretso agad?!" Pekeng ngiti ko pero sa kalooban ko parang nanikip ang dibdib ko, feeling ko totoo naman ang sagot niya at dama ko rin naman na walang interest si Chandler, tinatanggi ko lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Breath of Fresh AirWhere stories live. Discover now