Kabanata 6

6 0 0
                                    

"MA? MA? MAAAA!"

"Ano ba 'yon! Tawag ng tawag," kurap ni mama habang nakayuko at babad nanaman sa pag-aalaga sa mga halaman niya.

"Puro patay naman na 'yan ma, tapon mo na lang, bili tayo bagong seeds," suggest ko na may ngiti pa, wala akong gagawin buong araw dahil busy si Chandler tumulong sa mama niya kaya hindi kami makapag-usap ngayon kaya what better way to spend time with my own motherhood.

"Wala ka kasing tiyaga, kaya mahilig ka sa bago. Alam mo bang sanggol ka pa lang andito na ang mga halaman na 'to?! Wala kang utang na loob," gigil na saad ni mama at binitawan na ang maliit na pala saka dire-diretsong pumasok sa loob.

Ano 'yon-

May topak ba si mama?!

"Ikaw kasi, dapat hindi ka na nagkomento sa ginagawa ng mama mo, alam mo naman ngayon na lang 'yon ulit sinipag sa pag-alaga ng mga halaman niya," malungkot na komento ni nanay Celine.

Napatitig na lang ako sa mukha ni nanay na diretso ang tingin at nagiging seryoso ang itsura, pero habang nakatingin rin ako ay meron akong naisip bigla.

"Nay, busy ba ngayon si ate Marx? Pwede ko ba siya puntahan?"

"Hmm alam ko wala siyang gagawin ngayon, puntahan mo sa bahay," walang bahalang sagot ni nanay habang nakatingin pa rin sa kawalan.

Iniwan ko na siya do'n, alam ko naman kakausapin niya si mama, kaya na nila 'yan. 

DUMATING NA ako sa tapat nila ate Marx at kita dito sa labas na may piniprito siya habang nakapambahay lamang, kumatok ako sa maliit na gate nila na hanggang bewang ko lamang.

Sinenyasan niya akong pumasok kaya't walang pakundangan na dumiretso na ako sa loob hanggang sa kusina nila at nakitang kakapatay niya lang ng kalan.

"Kumain ka na ba tanghalian beh? Sabay ka na sa'kin," paanyaya niya at naghain na ng plato't baso sa lamesa.

"Ano ulam te?"

"Hotdog at noodles lang, maaga tinawag ni tita Rika si mama," sagot niya at magkaharap kaming umupo sa lamesa.

"Ay te, matanong ko nga lang alam mo ba bakit nagkakagano'n si mama minsan?" tanong ko habang sumasandok ng kanin at ulam, nakita kong saglit siyang natigilan at napatikhim pa nga.

"Hindi pa ba sinasabi ng kuya mo sa'yo?"

Dahil sa sinabi niyang 'yon, nadagdagan lalo ang lito at umusbong ang kuryusidad ko.

"Ano bang dapat sasabihin?"

Natahimik kami pareho at halata sa ekspresyon niya na pinag-iisipan kung may sasabihin ba dapat sa'kin.

"Nako beh, hindi ko kasi lugar para sabihin. Mas maganda na ang kuya mo ang makausap mo tungkol 'jan, actually isa nga 'yan sa dahilan bakit kami naghiwalay," dagdag niya.

"TOTOO BA? Edi kailangan mas lalo kong malaman, para magkabalikan na favorite loveteam ko," nguso ko, umirap naman sa'kin si ate Marx at walang sinabi na lang.

Iniba niya na ang topic at kinamusta na lang ako sa paghahanap ng university na papasukan ko, pero kahit pa iba na ang pinag-uusapan namin ay hindi nawala-wala sa isip ko ang unting bagong information na nakuha ko sakanya.

Pagkatapos namin kumain, tumulong ako sa paghugas at tuloy-tuloy ang kwentuhan namin ni ate Marx hangga't sa umuwi na lang si nanay at sinabihan na akong umuwi dahil hinahanap na ako ni mama.

Naglakad na ako pauwi, halos tatlong kanto lang pagitan ng bahay namin kaya madali lang sila puntahan.

"Maeve!"

His Breath of Fresh AirWhere stories live. Discover now