Kabanata 4

3 1 0
                                    

MY EYES were still tired and sleepy, nagising lang ako dahil nanunuyo lalamunan ko at kailangan ko na uminom ng tubig, as in now na.

Umunat-unat muna ako bago ako bumaba, pagkababa ko nakarinig ako ng mahihinang hikbi.

Ay, hindi na ako nauuhaw, babalik na ako sa taas, ganito namamatay mga bida sa horror story e, nakakarinig na ng signs ng iyak or may sumisigaw.

Dali-dali akong bumalik sa kwarto ko at nagtalukbong ng kumot habang nagtatakip ng tenga.

NAGISING AKONG badtrip, dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil nanaginip ako ng masama tapos nagising nanaman ako edi nahirapan na ako makatulog, natulugan pa ako ni Chandler!

Wala 'man lang goodnight kiss.

Bumaba ako sa sala at nakita si ate Celine, minsan lang siya gumagawi dito, kapag wala si mama o basta pinapatawag siya ni mama. Siya ang nanay ni ate Marx, ang ex ni kuya, hehe, asan kaya 'yon si ate Marx.

"Hi nay!"

"Oh buti gumising ka na, umalis si mama mo ng maaga, halos kakarating ko lang rin, nakapagprito na ako itlog at may chicken soup sa lamesa-"

Naningkit ang mata niya habang papalapit ako sakanya.

"Hindi ka natulog noh! Nandidilim ang mata mo, nako naman bata ka, nagbabasa ka nanaman, pinupuyat mo sarili mo kakaselpon!"

"Hala si nanay naman oh, ay nay asan si ate Marx?"

"May date sila ngayon ni Gerald, bakit?" puno ng pagtataka ang mukha nito, bumalik na sa lababo at tinuloy ang paghugas ng plato.

Aguy, may bago na pala si ate Marx, sorry ka kuya, nakamove on na siya, ikaw na lang hindi.

"Wala naman nay, nasanay kase ako na kasama mo si ate tuwing nagagawi dito," paliwanag ko at pumwesto na sa lamesa, naglagay na ako ng dalawang plato dahil gusto ko sabay kaming kakain ni nanay.

"Dagdagan mo na rin ng isang plato nak, sasabay raw si Joseph ng kain."

Tumango na lang ako at naglagay pa ng isang plato, sakto naman ang pagpasok ni kuya Joseph dahil rinig ko yung mahinang pagsara nung bakal na screen door.

"Kuya J, kain na," alok ko.

Nginitian niya ako at magsasalita pa lamang nung tanungin siya ni nanay.

"Saan nagpahatid si Marika?"

"Sa sakayan lang ng bus, sasaglit lang daw siya ng dalaw sa puntod ng magulang niya, kaarawan ata," walang bahalang sagot ni kuya Joseph at tinulungan si nanay magpunas ng plato bago silang pumwesto ng upo.

Naging seryoso bigla ang mukha ni nanay habang mas nalilito lang ako.

Hindi na ako nagulat sa ginawa ni mama, noon pa 'man naging ugali niya na biglang uuwi sa probinsya kahit walang okasyon. Base sa kwento ni kuya, si mama ang pinakamalapit na anak nila lola't lolo kaya nung namatay sila sa aksidente, akala nila papa noon masisira ang utak ni mama dahil hindi talaga ito nagpapa-alo at kung minsan ay nawawala sa sarili.

Nung bata pa ako, naiiyak ako pero ngayon okay lang na, panigurado namimiss niya na magulang niya, kahit ako rin naman, naiisip ko pa lang na mamamatay talaga sila mama't papa kahit anong gawin ko e parang masisiraan na rin ako ng bait.

"Siya nga pala Maeve, naayos mo na ba requirements mo sa SEC?"

"Parang ayaw ko na do'n ituloy nay, bukod sa talagang malayo, parang hindi pa sure yung scholarship na ibibigay nila. Maghahanap na lang ako ng iba pang bukas na university," nakanguso kong sabi.

Balak ko magpasama kay Chandler sa paghahanap ng college, since college na rin naman siya, for sure marami siyang ma-rerecommend.

"Kumpleto ba mga requirements mo na?"

His Breath of Fresh AirWhere stories live. Discover now