Chapter VII

7.8K 301 37
                                    

Her

"Cindy! Gawan mo ako ng damit!"

Natigil ako sa paglalaba nang marinig ang utos ni Ana. Nilingon ko siya at nasa harapan ko na siya ngayon, hawak-hawak ang pagkain ng mga manok.

"Bakit?" Malamig kong tanong sa kaniya.

"Pupunta kami sa bahay ni Hendrik. Kailangan kong maging maganda kaya gawan mo ako ng damit! I feel like he likes crochet dresses." She sighed dreamingly.

Kumalabog ang puso ko dahil sa balita. Erikson... they will go there? Hindi ako nakakatyempong tumakas papunta kila Erikson at wala rin akong lakas na kumatok sa bahay nila pero ito ang tamang pagkakataon para makita kung ayos lang ba siya! Baka kinulong siya nila sa bahay nila?

"Kailan?" I asked.

"This weekend."

"Gagawa ako." Sabi ko.

Her eyes widened as if she cannot believe I agreed to her that easily.  "Really?!"

"With one condition." Sabi ko at tumayo. I wiped the bubbles on my aprons and looked at her coolly, ready for some negotiation.

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

"Isama mo ako."

She gasped as her eyes widened. Kaagad niya iyong inilingan kaya nagtaas ako ng kilay.

"Sige. Huwag na lang." Sabi ko at uupo na sana para makabalik sa paglalaba pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam mong magagalit si Mama!" She glared at me.

"Hindi siya magagalit kung hindi niya ako mahuhuli." I shrugged.

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang sama ng tingin niya sa akin. She's obviously weighing the situation. And she knew, she knew how beautiful my dresses are. I sometimes caught her trying to learn crochet but give up in the middle. She loves crochet dresses.

"Fine! Pero huwag mong bonggahan ang suot mo! Mahuhuli ka ni Mama!"

I smirked at that and nodded. She pouted and looked like she was about to regret it but proceeded to agree.

And even though deep down I knew he wouldn't come, I still wait for the twelve noon to come, hoping someone outside the wooden fence would peek. A certain boy with an awfully bright smile and tousled black hair with his vibrant energy and deep gray eyes.

But none. So my only motivation during those agonizing days was the upcoming weekend, hoping I'll get to see him again. I put all mu effort stitching and crocheting Ana's dress until finally! The day has come!

Kumatok si Ana sa pinto ko kaya kaaagd kong kinuha ang damit na ginawa ko sa kaniya. It was a pink crochet dress perfect for her. Nang buksan ko ang pinto ay may make-up na si Ana at kulot na ang buhok nito. I gave her the dress and her eyes twinkled.

"Ang ganda!" She shouted, mesmerized.

Hindi ako nagsalita at tiningnan siya. Nagulat ako nang tinulak niya ako at pumasok sa loob ng kuwarto.

"Bakit ka—"

"Bihisan mo 'ko! Baka agawin 'to ni Drizzy kapag nagpatulong ako sa kaniya na suutan ako!"

Bumuntong-hininga ako nang walang-hiya siyang naghubad sa harapan ko. Isinuot niya ang damit at tumalikod sa akin dahil kakailanganing itali sa likod ang damit. I tied the dress from behind and she gasped in happiness as she wiggle its flowy skirt.

Hinarap niya ako, obviously satisfied. "Magbihis ka na! Aalis tayo kung ayaw mong iwan kita!" Aniya.

So I turned my back on her and grabbed the used crochet dress I made when I was thirteen. Hanggang tuhod ko nalang siya pero mukhang pormal naman kaya isinuot ko. Sumulyap ako kay Drizzy na nakaupo na sa isang upuan habang kumakanta at naglalagay ng dala niyang lipstick sa maliit na bag.

Found You, Cindirella (Cast a Spell Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon