Chapter XXIII

7.7K 255 86
                                    

Her

Bakit ako mananatili? Eh may babae siya kani-kanina lang, ah?

"Bumalik ka nalang sa babae mo." Kalmado kong sabi.

His eyes widened and he shook his head. "I kicked her away!"

Umirap ako pero hindi ako nagsalita. I heard his gulp and his hands around my arms tightened.

"I-I... didn't kiss her." He whispered.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Hindi iyon ang nakita ko kanina."

"It's just that..."

"Anong binubulong-bulong niyo?" Si Jericho.

"Wala! Alis na Jericho." Tinulak ni Erikson si Jericho palayo sa akin sabay hila ng kamay ko papunta sa likuran niya.

"Akala ko ba."

"Doon ka kay Mavrik! Akin si Ci!"

Nanlaki ang mata ni Jericho. His head snapped at my direction and my eyes widened as well.

"... ngayon!" Sumpay niya sabay tulak muli sa kaniya.

Walang nagawa si Jericho kundi ang imalis, nalilito at may kaunti nang pagdududa sa mga mata. I gulped and avoided his eyes.

Hinila ako ni Erikson malapit sa bar stool at pinaupo. Nakakunot ang noo ko siyang nilingon pero hindi niya ako nilingon at nag-order na ng maiinom, completely ignoring me.

"Ano?" Tanong ko dahil bakit kailangan niya akong dalhin dito?

Hindi niya ako pinansin at uminom ng inumin na ibinigay sa kaniya ng bartender. Umirap ako at tumayo para makaalis na pero bago ko pa siya maiwan ay hinawakan niya ang kamay ko para mapigilan.

"Ano bang gusto mo?" Iritado kong tanong.

"Ikaw."

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagkalabog ng puso ko. My lips part out of shock and I don't know what to say!

"... anong gusto mong inumin?" Sumpay niya kaya natauhan ako.

"Wala..." I cleared my throat. "Ano bang gusto mong sabihin? Bakit mo ako hinila rito?"

Nag-iwas siya ng tingin at uminom ulit kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Aalis-"

"Just... stay." He sighed as if he's having sa hard time.

"Bakit?" Nalilito kong tanong.

"Stay and... guard me like you usually do. I won't entertain girls now... and..." he closed his eyes and released a heavy breath. "boys..." He whispered.

"Boys? I though you're-"

Malakas niyang binaba ang baso at sinabunutan ang sarili. My eyes widened and I tried to stop him from sabotaging his self but he stopped and raised his head.

"Akala ko rin..." Problemadong sabi niya.

I refuse to assume things so I stayed quiet. Tahimik siyang nagpakalasing sa tabi ko, hinayaan ko siya dahil mukhang kailangan niya ng alak sa sistema niya.

Kaya ang ending, nahirapan akong buhatin siya.

"Dahan-dahan, Ci!" Lasing niyang reklamo nang sinubukan ko siyang alalayan sa paglakad.

"Tsk. Bakit kasi ang tangkad mo?" Iritado kong sabi nang mahirapan siya sa paglakad dahil ang taas niya at maliit ako kumpara sa kaniya.

"Kasalanan ko ba?" He laughed drunkingly and tried to straightened his stance but his legs wiggle and I catched him.

Found You, Cindirella (Cast a Spell Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon