Chapter I

19.6K 513 60
                                    

Her

"Cindy! Tambak na ang mga hugasin!" Reklamo ni Madona.

I silently roll my eyes as I huff. Hindi pa ako tapos maglaba kasi tambak din ng mga damit nila! Eh kung sila nalang kaya maglaba rito?!

"Cindy!" Bulyaw niya sa loob.

"Opo!" Sigaw ko sabay tayo para makapunta sa kusina.

"Kanina ka pa naglalaba diyan, hindi ka pa natapos! Ang bagal-bagal mo! Kaya tuloy ang dami nang gawain dito!" Pumutak nanaman ang bibig ng magaling kong nanay-nanayan.

Kung puwede palang siyang ipagsabong, siguro mayaman na kami ngayon.

"Mommy! Ang ingay! Natutulog ako!" Maarteng reklamo ni Drizy na nakahiga ngayon sa sofa.

"Sorry, dear. Ito kasing si Cindy, napakasakit sa ulo!" She glared at me, I sighed again.

"Maghuhugas na po." Sabi ko nalang dahil nakakapagod nang makipagtalo.

Hindi siya nagsalita at hinayaan na ako. Pumasok ako sa kusina at binuksan ang bintana sa lababo dahil sa pawis na tumutulo sa noo ko. The warm breeze blew my hair and the demons that were about to explode calmed down. I could see the green grass and tall trees from afar and it removed all the stress and fatigue away.

This is one of my favorite scenery whenever I wash the dishes. Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng pagod ay nagpapatuloy ako. To think that there are still many beautiful places compared to the back yard of our house inspired me to live. Gusto kong makapasyal sa ibang lugar at pagmasdan ang ganda ng kalikasan.

Kung may pera lang sana ako.

"Cindy! Bilisan mo paghugas diyan, may mga labahin ka pa!" Bulyaw ang nakapagpawala sa pagkakatulala ko.

Kaya binilisan ko ang paghugas. Ang bata ko pa pero ang dami na ng kulubot sa kamay ko dahil sa walang sawang paghawak ng tubig. Minsan, gusto ko nalang magreklamo at lumayas pero naaalala ko ang Papa ko na nagpapagaling pa sa ospital. Ilang beses akong binantaan ni Madona na kapag tumakas ako ay hindi niya itutuloy ang pagpapagamot sa Papa ko. Kapag nangyari 'yon, saan ako hahanap ng pera? Katorse palang ako at tumigil na ako sa pag-aaral kaya saan ko pupulutin ang ilang daan pambayad sa gastusin ni Papa?

I sighed and was about to close the window when I saw a boy, maybe same age as mine or a year older? He was riding a horse with a rifle behind him.

Is he going to hunt?

Napailing ako. Ayos lang sana kung mga ligaw na baboy ramo o iba pang delikadong hayop, huwag lang sana ang mga ibon.

Kumalabog ang puso ko nang may mapagtanto. Hindi ko nabigyan ng pagkain si Gus at Jaq!

Dali-dali akong lumabas papunta sa likod ng bahay namin kung nasaan ang kulungan nila Gus at Jaq. There was a birdhouse hanging on the three and I made it for my two birds. But the worse part is, I only saw one bird and that's Gus inside their birdhouse. Wala si Jaq! 

"Bakit nakabukas 'to!" Kaagad kong sinarado ang pintuan ng bahay nila. Mabuti nalang at mahina ang utak nitong si Gus dahil hindi ito lumipad.

"Binuksan ko! Pinakain ko lang naman! Ang arte mo, hindi 'yan tatakas!" Sabat ni Ana sa likod ko.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nagpapakain siya ngayon ng alagang manok at halatang hindi nagsisi sa ginawa.

"Dapat sinara mo! Nakatakas si Jaq!" Iritado kong sabi.

"Gano'n naman 'yon palagi. Bumabalik naman!" She rolled her eyes at me and turned to the chickens.

Paano kung hulihin siya ng lalakeng nakita ko kanina?!

Found You, Cindirella (Cast a Spell Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon