Chapter 1

31 2 0
                                    

NAKAUPO si Ashyana sa duyang gawa sa bakal habang tinatanaw ang makulimlim na kalangitan. Hindi siya takot sa ulan pati na rin sa kidlat na karamihan ay nasisindak kapag napagmamasdan. Sa halip ay namamangha siya. Dahil para sa kanya, iyon lamang ang bagay na nagpabalik sa kanya noong naganap ang trahedya sa kanilang pamilya.

Nag-aagaw na ang araw at buwan n'on ng mga panahong iyon. Malayo ang tirahan nila sa sibilisasyon kaya't maaga silang naghapunan. Gasira lamang ang tangi nilang ilaw sa gabi pero para sa kanya ramdam niya pa rin ang kasiyahan sa kabila ng kanilang sitwasyon. Hindi man sila mayaman, gayunpaman puno pa rin ng pagmamahal ang kanilang tahanan.

They were laughing in every little things. No worries and uncertainties. Pero sa isang iglap, nagbago ang takbo ng kanyang mundo. Nawala sa kanya ang tirahang ilang taong pinangalagaan ng kanilang pamilya at higit sa lahat...pati na ang kanyang mga magulang at maging mga nakababatang kapatid.

Siyam na taong gulang pa lamang siya nang masaksihan niya ang karumaldumal na krimeng ginawa ng hindi niya kilalang mga bandido. Pinaslang ng mga ito ang lahat ng taong importante sa buhay niya, at sa harapan pa niya. Napuno siya ng hinagpis at pagsisisi kung bakit siya lang ang itinira ng mga ito? Kung bakit pa siya binuhay, kung hanggang ngayon palang para na siyang patay?

Ilang taon siyang tila hinahabol ng nakaraan noong mapunta siya rito sa ampunan. Maraming beses niyang nahuhuli ang sariling blangko at parang walang patutunguhan. She suffered from Post-Traumatic Disorder. Dalawang taong din ang itinagal ng treatment niya. Saka tinulungan din siya ng pagdadasal. Noon, naitanong niya sa Diyos kung bakit siya binigyan ng ganitong uri ng pasanin at ngayon ay alam niya na ang sagot. Ito'y dahil gusto Niyang ipaalala sa kanyang nasa tabi niya lang Ito sa anumang oras.

Mabilis niyang pinalis ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata nang marinig ang matinis na boses ni sister Ann at tinatawag siya. "Diyan na po, sister Ann!" pasigaw niyang tugon at tumakbo pabalik sa looban ng bahay.

Nakapamaywang ito nang maabutan niya sa kusina. Mabait naman ito, minsan nga lang mataray. Naintindihan niya naman ang babae dahil ilan lang ang madreng nag-aalaga sa kanila sa ampunan. Saka karamihan sa mga bata ay matitigas ang ulo...tulad niya.

"Mag di-dise otso ka na pero para ka pa ring bata kung umasta. Mag-ayos ka nga, Ash, at baka mapagalitan pa tayong dalawa ni sister Dally. Matinik pa naman 'yon," atungal nito at sabay abot sa kanya ng sandok.

Kumuha siya ng tupperware sa kabinet at binuksan ang kalderong nakasalang pa sa stove. Nagluto si sister Ann ng tsampurado. Kumukulo pa iyon at halatang kakapatay lang ng apoy. Natakam tuloy siya at gusto ng lantakan ang pagkaing nasa harap.

Bahagya siyang napalingon sa babaeng kasama at nanigas nang makitang nakatitig din ito sa kanya. Nanunuri ang mga mata. Tumikhim siya at nagsimulang lagyan ng lugaw ang hawak na tupperware.

"Ate, kapag umulan ngayon, pwede ba akong maligo?" halos pabulong niyang tanong dito. She can see how her eyebrows arched in protest. Alam na niyang hindi nito magugustuhan ang sasabihin niya.

"Hindi ka na bata, Ash. Kailangan mong umayon sa edad mo. Alam mo namang walang ni isa ritong ang gusto ka, maliban na lang siguro sa akin. Wala ring gustong umampon sa'yo. Nawawala ang interes nila kapag naikwento na namin ang nakaraan mo," paalala nito.

Tumango siya at nakaramdam ng pait sa dibdib. "Alam ko naman po ang tungkol diyan. Hindi naman ako tanga, nahahalata ko ring pati mga madre ay ayaw sa akin." Napayuko siya nang maramdaman ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata.

Inagaw nito sa kanya ang lalagyan at hinawakan ang kanyang mga palad saka siya pinaharap. "Wag kang mag-aalala, nandito lang ako palagi. Hindi kita pababayaan, Ash, wag mo sanang kalimutan."

Tainted Kisses (Landegre Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon