Chapter 15

13 2 0
                                    

Napakunot ang noo ni Ash nang mapansing halos lahat ng estudyanteng nadadaanan niya sa hallway ay sa kaniya nakatingin. Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang sarili, pero wala naman siyang makitang mali o 'di kaya'y dumikit na dumi sa uniform niya. Their mysterious stares are making her uncomfortable. Iyong tipong sinusiri na pati kaluluwa niya.

Ilang milya na lamang ang layo niya sa kanilang silid nang makita niyang lumabas si Vina. Gusot ang mukha nito nang tumingin sa kaniya. She was caught off-guard when the woman dragged her away from that place. Gusto niya sanang tanungin ang dalaga kung may problema ba ito. Pero, hinayaan niya na lamang ang kaibigang hilahin siya hanggang sa makarating sila sa likod ng building.

"May problema ba, Vina?" tanong niya rito nang bitiwan nito ang kaniyang pulso.

She faced her. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng skirt at may kinalkal doon bago iyon iharap sa kaniya. "What's this, Ash? Alam mo bang kumakalat ito sa buong school?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya.

Animo'y binuhusan siya ng malamig na tubig at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Nakatutok ang mga mata sa screen ng phone. Naka-detalye sa post lahat ng tungkol sa kaniya pati na ang pagtira niya sa ibang bahay. And also, a made up story about her having an affair with a lot of old men. Ang tanging impormasyong wala roon ay kung sino ang tinutukoy nitong mga lalaki.

"A student from the SIC have been secretly living with five men for almost two months. We found out that she's at her first year in senior high school, Humss-"

"Please, stop," pigil sa kaibigan. She didn't want to hear it. Hindi totoo ang lahat ng nakalagay roon! Nagsimulang manubig ang kaniyang mga mata kasabay ng pagsikip ng dibdib. Sinong gumawa n'on? Puro kasinungalingan!

"Sandali lang at i-re-report ko 'to. Mga sira-ulo! Anong nakain nila at sinisiraan ka?" angil ng dalaga at kinalikot ang gadget. A few seconds past when she uttered something. "Omg, Ashyana Gracia! Ba't wala na sa site? May nag-delete sa post! Thank God!"

Nakatanga lang siya at patuloy sa pagluha. Ukupado ang utak niya sa nalaman at hindi na ito marinig. Now she know why everyone gives her those kind of stares a while ago. Na para bang nandidiri sila sa kaniya. They thought she's living in luxurious life because she did something dirty, even though she's innocent.

"Tumahan ka na nga riyan, Ash. Wag mong pansinin ang mga taong kayang humusga, pero hindi marunong alamin ang katotohanan," wika nito.

She shook her head. It's not that easy to do. "Paano? Sabihin mo sa 'kin, Vina. May picture sila sa akin na may kasamang mga lalaki. How can I proved myself kung niluto na ang utak nila? Of course, paniniwalaan nila 'yan dahil 'yun ang pinakamadali. Alam naman nating parehong ganoon umikot ang isipan ng tao, 'di ba?" pahayag niya at tinuyo ang luha sa magkabilang mata.

Nanatili sila roon ng ilan pang minuto. Gusto niyang ihanda ang sarili mula sa lahat, kahit hindi naman kailangan. Kahit anong comfort niya sa sarili ay nauuwi pa rin sa pag-aalinlangan lahat. Hindi niya kayang alisin sa sistema niya ang mga nangyari, lalung-lalo na ang magpanggap na wala lang at pansamantalang patayin ang emosyon niya. Tao pa rin siya.

"Don't worry, akong bahala sa'yo," bulong sa kaniya ng kaibigan nang makaupo sila sa kani-kanilang silya. Pinilit niyang ngumiti rito.

"Ang hirap talaga kapag nagmumukhang hindi makabasag-pinggan ang isang tao. Kasi alam niyo, masu-surprisa na lang kayo kapag nakagawa ng malaswa," ani Hazel nang dumaan ito sa harapan nila kasama ang dalawa pa nitong kaibigan.

"Really? Tulad ng isang classmate natin dito. Nasa loob pala ang kulo-" napasinghap si Rina nang hampasin ng dalaga ang armchair.

"May problema ba kayo?" tanong nito sa tatlo.

Tainted Kisses (Landegre Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon