Chapter 16

9 1 0
                                    

Everything happens for a certain reason. Ash thought about that just to fit in with her new environment. She had to start again. To live a life without those people who she used to be with. God knows how much restrain she had put around her just to stopped herself from going back, despite of the huge hole forming within her that they can only fill.

She's already twenty-one. Tatlong taon din ang lumipas nang hindi sigurado kung paano niya natapos ang buong taong iyon. Ilang butil din ng luha ang nailabas niya dahil sa pangungulila. Simula nong umalis siya sa Montana ay hindi niya muling nakita ni isa sa mga ito. Kahit binabalita sa TV si Thriz ay hindi niya pwedeng makita. They completely cut their ties with her, which pains her more. It shouldn't be like this. Parang hindi naman tama ang mga nangyayari sa kanila.

Kasama niyang nagbi-breakfast ang babae sa mahabang mesa. Pareho silang hindi nagsasalita at nakatutok lang sa pagkain. Sa tagal nilang magkasama ay masasabi niyang the best ito sa pagiging ina sa kaniya. She gave her everything and make her feel warm and cosy. Nakikisabay rin ito sa mga bagay na gusto niya, tulad na lang ng paggawa ng origami. Hobby niya talaga ang paglikha gamit lamang ang papel na halos mapuno na n'on ang kwarto niya. Hindi niya kasi kayang magtapon ng gawa dahil alam niya kung ilang porsyento ang nilaan niya sa mga obrang nilikha.

That became her pain and stress reliever after she parted ways with him, Thriz.

"Kamusta ang pagiging second year college, sweetheart? Is it good?"

Nagtaas siya ng ulo at ngumiti nang payak. "I'm still getting used to it, mom. Pero okay lang naman, stressful pa rin." Nakangiti niyang saad.

Tumango ito. "Ah, about your best friend."

"Si Vina, mom? Bakit?"

"Sinabi niya sa akin yesterday na magma-migrate sila sa Canada. Didn't she told you about that?" tanong nitong may pagtataka. That made her startled.

Napilitan siyang umiling. "No, mom. Sinabi niya pala sa akin, nakalimutan ko lang," she lied. Wala namang sinabi sa kaniya ang dalaga. And that shocked her.

Pagkatapos nilang kumain ay sinamantala niya ang pagkakataong magpaalam dito para puntahan si Vina. Gusto niya itong makausap tungkol sa pag-alis nito sa bansa. Kung bakit hindi nito sinabi sa kaniya.

Mahigit thirty minutes din ang biyahe nila papuntang La Union. Bumaba siya ng kotse at lumapit sa matayog na gate. Binati siya ng bantay roon at pinapasok sa loob. This isn't her first time coming over here, kaya kilala na siya ng guwardiya at lahat ng helper sa mansyon.

Sakto ring kalalabas lang ng dalaga sa loob ng bahay kasama si Kiara. Kinawayan niya ito nang mapatingin ito sa kaniya. Vina waved back and dragged her dog towards her.

"You didn't call me. Bakit ka pala nandito, Ash?" tanong ng kaibigan.

"Busy ka ba? Can we talk?"

Umiling naman ito. "Doon ka muna at ihahatid ko si Kiara sa cage niya," wika nito. 

She nod her head. Nagtungo siya sa mesa na nasa ilalim ng puno at naupo. Pabilog ang shape ng mga upuan at may fish pond ding katabi lang. Mayaman ang pamilya ng kaibigan, pero hindi niya kailanman narinig ang pagmamayabang nito sa eskwelahan. One thing that she really liked about her is, kapag kung gusto nitong magsalita ay hindi ito nagpapapigil. Straightforward pero hindi nakakasakit. Ngayon lang sigurong hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong paglilihim sa kaniya.

Naupo na ito sa harap niya at ngumiti. "Ano pa lang pag-uusapan natin?"

"Tungkol sa pagma-migrate niyo sa ibang bansa. Kailan mo ba balak sabihin sa'kin, Vina? Oh, may balak ka ba?"

Tainted Kisses (Landegre Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon