Chapter 10

13 2 0
                                    

Itinutok ni Quinze ang hawak na binocular kay Ashyana na naglalaro sa may dalampasigan. Humahalik ang mabahang buhok sa malambot nitong mukha sa tuwing paisa-isang umaangat ang mga paa sa buhangin. She is shining under the scorching sun and he can't deny that his attracted to her. Who wouldn't be? She's absolutely a head-turner.

"Anong ginagawa mo? Para kang tanga," nakatikwas ang kilay nito nang magtapon ito ng tingin sa kanya. He was actually standing next to her. Iisipin talaga ng makakakitang nababaliw na siya.

Binaba niya ang binocular at ngumisi. "I'm just watching you. What's wrong with that?" turan niya.

She shook her head. "Nang naka-ganyan?" tanong nitong itinuro pa ang hawak niya. "Hindi ka ba kumain-"

"What the hell?! Inday, may gwapo. Tingnan mo!" anunsyo niya at sinimangutan lang ni Ash. Wala itong pakialam sa mga sinasabi niya dahil alam niyang isa lang ang gwapo sa paningin ng dalaga. "You have to look or you'll missed a chance. It really is worth it," dagdag niya pa.

She rolled her eyes in irritation. Sinundan ng mga mata nito ang direksyong tinuro niya at siya naman ay lumapit sa dalaga at bahagyang yumuko.

Nakita niya ang pagkasira ng mukha nito. "Wala naman ah! Niloloko mo lang ako!"

"Hanapin mo kasi, wag puro bibig. Si Inday talaga."

"Ba't parang ang lapit mo-" her face stopped in midway nang salubungin ng kanyang labi ang pisngi nito. Sandali itong natigilan at kinapa ang sariling pisngi.

"Handsome, isn't?" that was just a tease. "Happy birthday, Inday!"

Ngumiwi ito na para bang nandidiri. "Salbahi! Ayawan ka sana ng gusto mo sa future. At anong happy birthday? Bukas pa kaya ang birthday ko!" angil nito habang namumula ang buong mukha dahil sa inis.

He laughed. "Pakibalik na lang ng halik ko. But you need to do it on my lips. That kiss was expensive," biro niya pa.

Napailing-iling ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Bahala ka nga riyan! Nakakainis ka," sabi nito at nagmartsa paalis.

Mas lalo siyang bumunghalat ng tawa at hindi na ito sinundan pa ng tingin. He finds her amusing ever since they met. She talks a lot and smiles a lot that it hits him different. He liked that girl, but not to the extend of wanting her. He knows his limit. Gusto niya ang dalaga pero hanggang doon lang. Simpleng pagkagiliw lang ang nararamdaman niya at alam niyang mawawala rin iyon.

HINDI matanggal ang ngiti sa mga labi ni Ash habang pinagmamasadan ang sarili mula sa salamin. Katatapos niya lang ayusan at may suot na rin siyang make-up sa mukha na si Vina ang gumawa. She was covered in pink. A semi-sweetheart neckline with a faded straps and lace at the back of her dress. It flows smoothly with her curves that it made it more detailed. Mabukadkad at half an inch apart from her knees.

Ilang beses siyang umikot at tumigil nang magsawa. Kahit kailan ay hindi niya nagawang magsuot ng mga ganitong damit sa tuwing birthday niya. Hindi niya naman hiniling na magkaroon ng bunggang celebration noon, pero nakakamangha lang dahil ngayon ay hindi na imposibleng maranasan niya.

"Ready ka na?" tanong sa kanya ng kaibigang nagmamasid lang sa tabi. Suot nito ang kulay brown na maxi dress.

Hinarap niya ito at banayad na tumango. "Let's go."

Nagkwentuhan sila ng dalaga hanggang sa makababa. She had no other visitor other than Vina. Hindi niya kasi sinang-ayunan ang gusto ng mommy ni Thriz na magkaroon ng maraming dadalo. All she wanted was to be with those people who gave her happiness, freedom and love.

Napili niyang mag-celebrate sa tabing dagat. May mga cottage rin kasi at maganda ang view. Tila nagkakarera ang puso niya sa tindi ng tibok nang mapunta sa kanya ang mga mata ni Thriz. He is wearing shorts and black shirt, but still hits different. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sinabi nito nong nakaraang araw. Biglaan at hindi niya inaasahan, pero masaya siya, subra na halos magtatatalon siya sa kama.

Tainted Kisses (Landegre Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon