Chapter 6

13 2 0
                                    

Ilang araw na silang hindi nagpapansinan ni Thriz. After what he did, nakaramdam siya ng kaunting hiya. Kung ayaw nitong makita siya hindi naman iyon problema sa kanya. Lalayo siya kung kinakailangan, magpapanggap siyang hindi ito nakikita. Ayaw niyang humantong pa sa pagkakataong pandirian siya nito kung ipagsiksikan niya pa ang sarili.

Si Quinze ang naging driver niya papuntang school sa loob ng mga araw na iyon. Ilang beses na rin siya nitong tinanong patungkol sa lalaki at kung nag-away ba silang dalawa. Pero isa lang ang lagi niyang sagot, iyon ay hindi niya naman ito close.

Totoo naman iyon. Para sa kanya, isa pa rin itong estrangherong dumating sa buhay niya.

"Ash, may chika ako." Naupo sa tabi niya si Vina at kinalabit siya.

Inalis niya ang tingin sa binabasang notes at nilingon ito. Bahagyang nakataas ang kilay. "Nag-aaral ako," tanggi niyang nginisihan lang nito. Kailangan niyang gamitin ang one hour na vacant time nila sa para sa pag-aaral.

Si Vina ang tanging ka-close niya sa academy. Sa kanilang dalawa, ito ang naunang lumapit at kinausap siya. Hindi kasi siya nakikihalo o nakikipag-usap sa mga kaklase niya. She had her doubt because she already experience a lot of rejection and betrayal from the past. Hindi niya agad-agad ini-entertain ang mga taong nakikipagkaibigan sa kanya, saka lang kung sigurado siyang wala itong tinatagong motibo upang lapitan siya.

She moved closer to her ear and whispered something that she didn't even care of. "May nagkakagusto na sa'yo rito, alam mo ba?"

"Mag-aral ka na lang, Vina, para may maisagot ka sa test mamaya," angil niya at bumalik sa pagbabasa.

Umiling lang ito at itinukod sa armchair ang magkabilang siko. "Siya nga pala, may tanong ako-" nahinto ito sa pagsasalita nang bigyan niya ng masama tingin.

"Tahimik na..."

"I can't shut my mouth kung hindi ko 'to mailalabas. Please..." desperada na ito kaya napilitan na lamang siyang tumango. Ngumiti ito ng malapad. "Sino 'yong naghantid sa'yo kanina? Hindi naman 'yon 'yung dating naghahatid-sundo sa'yo. Magkaiba ng kotse."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Ngayon, nagsisisi siyang binigyan pa ito ng tiyansang magsalita. "A-ano bang sinasabi mo? Stalker ka ba?" Hanggang ngayon ay itinatago niya pa rin ang tungkol sa pagtira niya sa mansyon ng mga Landegre. Hindi lang kasi kilala ang mga Landegre sa Montana, pati na buong Almonte City. Matunog ang pangalan at tinitingala ng mga tao dahil sa kapangyarihang taglay ng mga ito.

"Guilty siya. Boyfriend mo? Ba't paiba-iba ng sasakyan?"

"Vina!" singhal niya sa kaibigan at natigilan nang makitang nakatingin na sa kanya lahat ng nandoon. Some of them were shock and confuse and the rest was throwing daggers at her through their eyes. Hindi niya ito masisisi dahil marami sa mga naroon ang nag-aaral din tulad niya. "Sorry..." nahihiya niyang usal.

Hinarap niya ang dalaga at mahina itong hinampas sa braso. Pero sa halip na mahiya ay tumawa pa ang bruha. Sayang-saya sa sinapit niya.

"Saan ka pupunta pagkatapos ng last subject natin?" tanong nitong hindi na niya uli pinansin. Hinayaan niya itong dumaldal hanggang sa magkusa itong tumigil.

Nang matapos ang vacant time ay siya ring inumpisan ang panghuling subject nila sa hapon. Habang nagka-conduct ng quiz ang guro nila ay nagsimulang maglakbay ang kanyang isipan. She can't even focus on her paper and what's more shocking was, she's seeing someone else's face for Pete's sake! Hindi siya sigurado kung makakapasa pa siya sa quiz nang i-submit niya iyon. Sayang lang ang oras na inilaan niya sa pag-aaral kanina kung sakaling kandila lang ang makukuha niya roon.

Isinabit niya ang pares na tali sa magkabilang balikat at umalis. Nauna na si Vina sa kanya dahil may pupuntahan pa raw ito. Hindi naman iyon bago. May mga friends kasi ito sa ibang section, mga dating kaklase. Siya? Ano bang gagawin niya? Uuwi, mag-aaral, kakain at matutulog. Kung sabagay, mas komportable siya ron kiysa magliwaliw.

Tainted Kisses (Landegre Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon