Chapter 7

10 2 0
                                    

Pagkatapos umiyak at sigawan ni Ash si Thriz ay dinala siya ng lalaki sa couch at pinaupo sa tabi nito. Mahapdi na ang mga mata niya dahil sa kakapahid ng luha. Galit siya rito, pero mas nangingibabaw pa rin ang emosyong ito lang ang kayang magbigay sa kanya.

Napatingin siya sa kamay nitong pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. He's been like that, almost half an hour already. Hindi niya mawari kung bakit nito iyon ginagawa kung gayong pwede naman itong umalis at iwan siyang mag-isa sa kwarto niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nahuli niya itong nakatutok mismo sa kanyang mukha. That hazel gray eyes is giving her butterflies in her stomach. May kakayahan itong aktibo lang sa tuwing nagkakatitigan sila, iyon ay hindi niya magawang umiwas kapag nagsalubong na ang kanilang mga mata.

"I was jealous. That moment when I dragged you away from them," sambit nitong ikinatigil niya. His eyes were different this time. "Everytime I see you talking to someone else, I always felt strange. Finding someone to love was never been part of my priority. You can say that I'm new to this kind of stuff, because I thought that love can wait. Pero ngayon, hindi na ako sigurado ron. Natatakot ako. Takot na baka dumating ang araw na hindi ko na kayang maghintay na mapasakin ka. Na hindi ko na maibigay sa'yo ang hinihiling mong kalayaan nong inampon kita...baka rin dumating ang oras na gusto na kitang ikulong sa mundo ko at makasama hanggang sa huling hininga."

Itinapon niya ang paningin sa ibang direksyon, pero hinawakan nito ang kanyang baba at ibinalik sa dati nitong posisyon. Halos makalimutan niyang huminga nang makitang nakatitig ang lalaki sa nakaawang niyang mga labi. Napasinghap siya nang himudin ng dila nito ang ibabang labi.

"This is crazy..."

"A-anong iniisip mo?" tanong niya rito kahit halata naman sa kanya kung anong laman ng isipan nito.

Napatingin ito sa mga mata niya at pinakawalan ang kanyang baba. "Nababaliw na ako. You're not ready yet, I shouldn't cross the line just because I am tempted." He moved a bit further from her. "Man, everything is fine, just relax," wika nitong tila hindi naman para sa kanya. Mukhang gina-gaslight pa ng lalaki ang sarili nito.

Tumayo siya at ginawang pamaypay ang dalawang kamay. Para siyang tanga habang ginagawa iyon. Naka-aircondition naman ang buong kwarto pero ramdam niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo.

"I think I have to go," rinig niyang sabi nito saka tumayo. Hinarap niya naman ang lalaking ngayon ay parang robot dahil wala man lang kaemo-emosyon ang mukha. "Dito ka na lang at ako na ang magsasara ng pinto. And also, don't forget to lock the door after I leave. It's for your own safety," pagpapatuloy ng lalaki at sinundan niya ng tingin habang paalis ito ng kanyang kwarto.

Tinakbo niya ang pintuan at agad iyong ikinandado. Hindi na siya nito dapat pang sabihin kasi naglo-lock naman siya ng pinto. Ngayon lang na hinayaan niya muna kasi lalabas din naman siya agad para magtungo sa sala.

Sa gabing ito ay naayos na ang hindi nila pagkakaunwaang dalawa. Natanggal na rin ang tinik sa dibdib niyang ilang araw niyang dala-dala. Mas mabuti talagang pag-usapan agad ang mga bagay na nabuo sa misunderstanding dahil gagaan agad.

Sa sumunod na araw ay maaga siyang bumangon. Sabado at wala silang pasok. May plano na siyang gawin sa araw na ito, isa na roon ang manood ng TV. She clasped her hands at her back and went to the living room. Good mood siya kasi hindi niya na uli napanaginipang nag-aaway sila ni Thriz.

"Good morning, Inday!" pambungad sa kanya ni Quinze na nakaupo sa couch kasama si Thriz. Pareho itong may hawak na tasa.

"Magandang-umaga din sa'yo, Quinze." Bumaling siya sa katabi nito at ngumiti. "Sa'yo rin, Thriz," pabulong niyang sambit at tinanguan lang siya nito. Napakunot naman ang kanyang noo. What's with the sudden change of mood? Kagabi lang para itong leon na gustong humakmal sa kanya!

Tainted Kisses (Landegre Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon