Chapter 2

22 2 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makuhang ibalik ni Ashyana ang buong huwisyo matapos ang mga nangyari. Hindi niya inaasahan darating ang araw na ikakahiya niya ang sarili. Nagtapon siya ng tingin kay sister Dally at sa lalaking estranghero. Kanina pa ito nag-uusap at hindi niya alam kung tungkol saan. Seryoso kasi ang mukha ng madre at kapag napatingin sa kanya ay nagbabanta ang mga mata.

Sinuri niya ang sarili at sabay kapa sa kanyang buhok. Hindi pa nga pala siya nakapaghilamos at nakapag-ayos ng sarili. Nang sipatin niya ang sarili sa salamin ay napangiwi siya. Sumasabog ang buhok niya at nagmukhang pugad sa gulo. Ganito ba talaga ang mukha niya habang kaharap ang lalaki kanina? Para yatang gusto niya na lang ilibing ang sarili ng buhay dahil sa kahihiyang ginawa.

Napaayos siya ng upo nang makita ang dalawang pabalik sa sala. Tila tumatagos sa kanya ang mga titig ng lalaki. Hindi niya batid kung bakit siya ganoon na lang nito tingnan. Kanina pa nong hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga matang dalawa.

"Dito ka muna, Ash, babalik lang-"

"Let her come with us," he easily cut off sister Dally's word.

"But, sir. Hindi mo siya kailangan doon."

"I'm sorry, but I need her."

"Bakit naman?" sabat niya sa usapan ng dalawa. Sumasakit na ang ulo niya sa kai-english nito.

"I need to convince your father if I could have his daughter's hand," tugon nitong mas lalo lang nagpalito sa kanya. Hindi niya buong naintindihan ang sinabi nito kasi mahina siya sa english.

Bumuntot na lamang siya sa lalaki at hindi na pinansin ang nakakatakot na tingin ng madreng nasa tabi ng lalaki. Patawarin sana siya ng Diyos, pero mukha itong The Nun sa horror movie ngayon. Tumatayo na lahat ng balahibo niya sa katawan.

Naunang maglakad sa kanila ang madre habang nakatago ang mga kamay sa abitong suot. Halos lahat ng madaanan nilang mga kababaihan ay napapatingin sa gawi nila. Halata naman kung sino ang tinitingnan ng mga 'to. Iyon ay ang estrangherong kasama nila ngayon. Pero pansin niyang hindi man lang ngumingiti ang lalaki, kani-kanina lang ay halos lumuwa ang mga mata nito sa katatawa.

And she finds it strange.

Kumatok si sister Dally sa pinto bago sila pumasok. Ilang taon na ba nong huli niyang bisita sa opisina nito? Kahit kasi na nandito siya ay pinagbabawalan silang bumisita sa lugar na ito. Kaya tumutol ang madre na sumama siya dahil patakaran ng ampunan na bawal magtungo sa opisina ng direktor.

"May bisita pa tayo, director, at nais po kayong makausap," bungad ng madre at nilingon silang pareho.

"I'll drop the formality and get down on my business here. I want this girl, director," pahayag nitong sandaling nagpatigil sa lalaking nakaupo sa swivel chair.

"This isn't a farm, sir. You can't just pull anyone you want," protesta nito.

Ngumisi ang lalaki na para bang may nakakatawa. "I can't get through your humor, sir. Orphanage 'to, hindi naman ako mangongolekta ng bata kasi aampunin ko sila." Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito. Aampunin siya? Iyon ba ang pinag-uusapan ng mga ito kanina?

"Hindi pa rin ako sasang-ayun sa gusto mo at isa pa hindi kita kilala at wala kang binibigay sa amin na pagkakakilanlan mo. You understand me, right? I can't trust you."

"Now, I started to think that this might not be an orphanage, but simply a house of fund collector."

Biglang namutla ang mukha ng lalaki at tumikhim. "How dare you accused me-"

"I'm not, unless you're guilty, director."

"Who are you, young man?"

"Give her first, director."

Tainted Kisses (Landegre Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon