Kabanata 5

7 1 0
                                    

Binilisan pa ng magkaibigan ang pag-alis sa lugar nang marinig 'yun. Habang naglalakad ang dalawa papauwi sa kani-kanilang bahay ay  kasalukuyan na nilang pinapapak ang hito na na-dekwat ni Dandoy.

"Iba talaga ang bilis ng kamay mo, Dandoy. Walang kahalintulad!"

Lumipas ang magdamag at wala namang patayan na nangyari sa kanilang baryo na gaya ng inaasahan ni Dandoy pag-uwi niya.

Habang nag-aalmusal ang mag-ina y nasipat ni Dandoy sa bintana ng kanilang kusina 'yung lalake na nagbigay sa kanya ng labis na kilabot. Nakatitig lang ito sa kaniya at parang may nais sabihin.

"Inay 'yung lalake po, siya po 'yung aswang, nasa labas po siya ng bakuran natin ngayon!"

"Sino bang tinutukoy mo anak?"

Tumayo pa ang Ginang para tingnan na ito sa may bintana. Subalit wala naman nakita si Aling Melita na sinasabi ng anak. Paglingon ni Dandoy sa bintana ay nagtaka siya kung bakit biglang nawala ito agad.

"Andiyan lang po 'yun Inay kanina, nakatingin pa nga po sa akin eh."

"Ay naku, sige na anak kumain ka na at aalis pa naman kayo ni Carlito. Siya nga pala anak ano 'yung sinasabi ni Rolan na kinuha mo daw ang pulutan nila kagabi? Kayo talaga, puro kalokohan ang pinaggagawa n'yong dalawa ni Carlito. Masama 'yun Dandoy."

"Wala po 'yun Nanay." maiksing tugon ng binata sa ina.

"Anak, nga pala ay papunta ako ng simbahan ngayon ikaw na bahala dito sa bahay. Isara mong mabuti bago kayo umalis ni Carlito ha?"

"Sige po Inay mag-iingat po kayo."

Hindi maalis sa isip ni Dandoy kung ano ang gustong ipahiwatig sa kanya ng lalake kagabi. Pagkatapos kumain ay gumayak na ang binata upang maligo sa balon na nasa kanilang likuran. Habang naliliigo may naramdaman s'yang parang may tao sa kaniyang likuran. Sa kanyang paglingon ay nakita niya ang lalake na kanina ay nasa labas ng kanilang bakuran. Sa gulat niya ay bahagya siyang napaigtad sa pagkaka-upo habang nagsasabon ng katawan.

"Bakit po Manong? May kailangan po kayo?" natataranta, kinakabahan ng tanong ni Dandoy sa lalake.

"Islaw nga pala ang pangalan ko, ako ang aswang na nagbibigay ng proteksyon sa iyo at sa buong barangay ninyo. Isa akong gabunan, oo mga aswang kami pero hindi kami katulad ng mga asawang na sumasalakay sa inyo. Mababangis ang kanilang lahi at hindi ordinaryong mga aswang ang namamahala sa kanila. Ikaw ang pakay nila dito iho dahil matagal ka na nilang hinahanap."

"A-Ako po?" turo ni Dandoy sa sarili, lalo pang natakot. Nabitawan pa ni Dandoy ang hawak na tabo. "Bakit po ako? Anong kailangan nila? Hindi ko kayo maintindihan."

"Isa ka sa mga mataas na uri ng aswang kagaya ko. Kalahating demonyo, kalahating aswang. Ikaw ang mamumuno sa buo nating angkan. Hindi ka ordinaryong tao, anak."

"Tama po ba narinig ko? T-Tinawag n'yo akong anak? Paano po mangyayari 'yun eh nakita ko pa po ang Tatay ko bago siya mamatay?"

"Napilitan kami ng iyong ina na iwanan ka dito sa baryo na kung saan ka lumaki. Pinili namin mamuhay bilang isang ordinaryong tao, sa kasamaang palad kami ay sinalakay ng mga sugapa nating mga ka-lahi na nakipagsundo sa mga kalaban natin. Napatay nila ang iyong ina sa aming laban. Malalakas din sila anak pero natatangi ang iyong kakayahan."

"Wala po akong maintindihan." gulong-gulong sagot ni Dandoy.

Akmang kakaripas na sana ng takbo si Dandoy sa labis na takot papasok ng kanilang bahay nang biglang mag wika ang lalake ng...

"Mamayang gabi, magsisimula na ang paghahasik nila ng lagim. Huwag kang mag-alala kayang-kaya ko silang lahat. Kaya lang, ikaw lang tanging makakatalo sa kanilang pinuno. Nakikita mo ba ang marka na nasa iyong balikat?"

Mabilis na napatingin doon si Dandoy. Doon niya nakita ang krusipiyong baligtad na bungo na may pangil ang dito ay nakapako. 

"Iyan ang marka na kinakatakutan ng ating mga kalaban. Kontrolin mo lang ito dahil sobrang mapanganib. Hindi lang para sa mga kaaway maging sa mga tao at sa akin. Iwasan mong mapoot at balutin ng kasamahan ang iyong damdamin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Dayong GabunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon