Kabanata 1

20 2 4
                                    

Sa isang payak at tahimik na baryo naninirahan si Dandoy at kanyang ina na si Aling Melita. Dahil sa matanda na ito ay tanging si Dandoy na lang ang naghahanap-buhay para sa kanilang dalawa. Mag-aalas-siyete na ng umaga nang magising si Dandoy ng araw na iyon nang dahil sa isang sigaw. Malakas na tinatawag nito nang paulit-ulit ang pangalan niya.

"Doy, Doy pare gising na!" hiyaw ni Carlito na matalik niyang kaibigan.

Napabalikwas ng bangon si Dandoy. Patakbong tumungo sa kusina upang agad maghilamos at magmumog.

"O pare, ikaw pala iyan. Tara, kape muna tayo." agad alok ni Dandoy.

"Walanghiya naman pare, anong oras na? Siguro kaya na-late ka na naman ng gising kasi kakaisip mo na naman sa napanood nating live show."

"Tumahimik ka nga diyan," pabulong na tugon ni Dandoy nang maalala ang ginawa nilang paninilip habang nagtatalik ang bagong mag-asawa.

Ngumisi lang sa kanya si Carlito. Hustong lumabas naman ang ina niyang si Aling Melita na may bitbit na bilao na pinaglalagyan ng pinitas na bunga ng mga gulay sa bakuran.

"Anak saan ba kayo pupunta ni Carlito?" tanong ng kanyang ina.

"Sa kabilang baryo po Inay. Kami po ay uupahan para magbilad ng palay."

"Ay ganun ba anak? Ay siya sige, mag-iingat kayong dalawa. Pilyo pa naman iyan si Carlito."

"Di naman po Aling Melita. Ang anak niyo nga po ang pilyo at pasaway sa aming dalawa. Palagi pa siyang pasimuno sa ng mga kalokohan."

Tumawa lang doon si Aling Melita. Ilang sandali pa ay nag-aya na si Dandoy na umalis at malayo-layo pa ang lalakarin nila.

"Nay, alis na po kami."

"Sige anak, mag-iingat kayo."

Pasipul-sipol pa habang naglalakad ang magkaibigan papunta sa kabilang baryo. Nagtatawanan at nagbibiruan pa ang dalawa patungkol sa kanilang napanood na live show noong isang gabi.

"Doy nakailan ka ba noong gabi na nanilip tayo?"

"Siraulo! Tumahimik ka baka may makarinig. Malaman pa na tayo ang nanilip doon sa mag-asawa. Kita mo naman siguro paano nagalit iyong lalake nang malaman niyang may naninilip sa kanila habang nagtatalik. Buti na lang pare, di tayo nakilala."

Nang sila ay nasa kaduluhan na ng kanilang baryo, may napansin silang grupo ng mga kalalake'han na nagtatayo ng maliit na kubo. Nagtaka sila dahil ni isa sa mga ito ay wala naman silang kakilala.

"Pare mukhang may bago tayong ka-baryo ah? Mga tagasaan kaya sila?" nagtatakang tanong ni Dandoy.

"Baka mga tagakabilang baryo lang sila o maaaring mga dayo, pare."

Napuno ng pagtataka si Dandoy kung bakit pinili pa nila sa liblib na parte ng kagubatan na iyon magtayo ng bahay eh malayo ito sa lahat. Isinawalang bahala niya na lang ang nasa isipan nang marating na nila ang bodega ng kanilang pagtra-trabahu'han.

Lumipas ang maghapon at natapos na ng magkaibigan ang pagpapatuyo sa palay na kanilang binilad. Sa dami nito ay madilim na sila natapos dahil nagsalansan pa sila ng mga sako ng palay. Masayang nag-uusap ang dalawa habang pauwi dala-dala ang pera na kabayaran sa kanila. Kaagad na napatigil sa paglalakad si Dandoy nang may narinig itong malakas na kaluskos sa madilim na gilid ng daan. Nangangapa na sa paghahagilap kung saan ang eksaktong lugar ang nasabing ingay.

"Pare sandali lang wala ka bang naririnig?" tanong na may halong kaba sa boses ni Dandoy.

"Bakit pare? Ano iyon? Natatakot ka na naman ba?" tigil sa paghakbang ni Carlito, "Ikaw talaga tandang-tanda mo na napakamatatakutin mo pa rin."

Pinakiramdaman ito ni Carlito ng bahagya. Ngunit wala siyang naririnig na ingay na sinasabi ni Dandoy.

"Tara na pare, daga lang iyon. Baka maihi ka pa diyan sa short sa takot."

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa ngunit iba ang nararamdaman ni Dandoy. Parang anumang oras ay may ibang nilalang na anumang oras ay aatake sa kanila. Nawala na lang ito nang mag-umpisang kumanta si Carlito na may papiyok-piyok pa.

"Ang pangit ng boses mo pare kahit aswang ay magagalit sa'yo kapag narinig ka." natatawang sambit ni Dandoy.

Nang madaanan muli nila ang lugar kung saan nakita ang gumagawa ng kubo kanina ay nagulat sila nang makitang tapos na ito. Hindi lang iyon napatigil pa sila nang masilayan ang magandang dalaga. Napakaganda nito at makikita sa kutis na parang galing sa isang marangyang pamilya. Pinagmasdan nila itong mabuti. At napangiti si Dandoy nang makita itong may hawak na timba at lalagyan ng sabon. Pilyo pa itong nagwika ng...

"Pare mukhang sinu-swerte na naman tayo."

Nakatanggap siya ng mahinang batok mula kay Carlito na alam na agad ang ibiga niyang sabihin.

"Ayoko pare, baka mahuli tayo."

Hindi nakinig sa kaibigan si Dandoy. Naglakad na ito papunta sa likod ng bahay. Deretso itong pumuwesto sa silong noo, sa may bandang madilim. Kasalukuyan naman noong naghuhugas ng binti ang babae. Tuwang-tuwa sa nakikita niya si Dandoy nang biglang may narinig itong pag-angil at ingit ng tuta.

Napagtanto niyang bagong panganak ang aso. At bago pa ito tuluyang magwala, nagmamadali na siya sa paglabas at pagtakbo palayo ng silong. Ngunit pawang kalokohan pa rin ang nasa isipan noon ni Dandoy.

"Pare, bakit ka tumatakbo?" salubong sa kanya ni Carlito, natatawa na. "Anong meron sa mga nakita mo?"

Hingal na hingal na nagpahid muna ng pawis sa noo si Dandoy bago ito sumagot sa tanong ng kaibigan niya.

"Wala pare, ikaw naman. Malapit ng matapos sa pagligo si Ganda." kumikindat-kindat pang wika ni Dandoy, "Sa silong ka pumwesto."

Sa narinig ay agad nagpauto at kaagad namang lumakad si Carlito. Pumasok ito nang marahan sa silong. Tama nga ang sinabi ni Dandoy. Nakita niya ang babae na nagbabanlaw na. Nababaliw pa sa eksenang nakikita nang bigla na lang sakmalin siya sa puwet ng galit na galit na asong hindi niya napansin.

"Nak nampucha naman! Ano na namang ginawa mo sa akin, Doy?!"

Nagtataka ang babae kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng aso nilang nasa ilalim ng silong. Medyo sinilip niya iyon. Nagulat siya ng biglang may lumabas na lalake roon na tinataboy palayo ang kanilang aso.

Mabilis na tumakbo si Dandoy nang marinig niya ang malakas na pagmumura ni Carlito habang binabanggit ang pangalan niya.

"Doy asan ka?" sigaw ni Carlito, "Pahamak ka talaga kahit kailan!"

Ang Dayong GabunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon