"Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan ang iyong panginoon? Gusto kong makatalik siya bago kayo bumalik!"
Nanlisik ang mata ni Elenara nang makasalubong ang nakangiting pagmumukha ng Sentaura sa kanyang pagpasok sa lagusan mula sa mga mortal patungo sa sub-imortal realm. Halos umabot sa magkabilang tainga ang ngisi nito habang nakatingin sa kanya. Nasa anyong tao ito at nababalot ng malaking dahon ang katawan bilang kasuotan.
"Sino ka para magdesisyon kung makikipagtalik sa 'yo ang panginoon ko o hindi?" Humakbang siya palapit rito at hindi ito natinang sa madilim na mukha niya. "Nakaisa ka na gusto mo pang humirit?" Mabilis niyang sinunggaban ang leeg ng Sentaura at mariin itong sinakal.
Nagulat ang Sentaura sa ginawa niya at hindi ito makapalag sa pananakal niya. Wala itong laban sa lakas ni Elenara. Sinubukan nitong mag-transform sa kalahating kabayo at manlaban pero hindi siya hinayaan ni Elenara. She used her powerful aura to suppress the Sentaura from transforming into her real form.
"Argh! B-bitiwan mo ako! Ano'ng ginagawa mo?" Kahit nahihirapang huminga dahil sa pagkakasakal sa kanya ay sinubukan ng Sentaura na tanungin si Elenara.
"Tumigil ka." Ngumisi siya. Her eyes held malicious intent and her dark aura spread around her like a demon rising from hell. "Tama na ang delusyon mo, Sentaura. Panahon na para harapin mo ang Elyama nang sa gayon ay malayang makakalabas ng Elenherealm ang tunay na panginoon ko." Elenara's eyes turned red and her nails grew longer. Its sharp edge scraped the Sentaura's skin until it bled before forcefully piercing it, killing the Sentaura on the spot without any resistance.
Malakas na tumawa si Elenara dahil nagtagumpay sa ginawa. Hindi na niya inisip ang magiging resulta ng ginawa niya sa Sentaura. She summoned her powerful beast, Phyteris, a corpse-eating python. It was in his mini-form when it appeared, coiling its small body on her shoulder. Kasing-laki ito ng gitnang daliri at may haba na dalawampung talampakan kapag nasa mini-form ito. Pero kapag nilabas nito ang tunay na anyo ay kaya nitong lunukin gaano man kalaki ang target nito. The beast let out an ear-piercing growl that shook heaven and earth before it transformed into his medium form, enough to swallow a human.
Matapos kainin ng Phyteris ang katawan ng Sentaura ay agad ding umalis si Elenara. Dahil hindi niya kasama si Elanher ay inabot siya ng buong araw sa daan bago makarating sa lugar kung saan siya unang nagbigay-pugay.
In the deep recesses of the southern part of the Kingdom of Elenherealm. The Clan of The Black Heralm.
"Panginoon, nagbalik na ang iyong tagapaglingkod." Inilagay ni Elenara ang ang kanang braso sa kaliwang dibdib at yumuko bilang pagbati. Nasa bulwagan siya ng pavilion kung saan nakatira ang Lider ng Black Heralm. Napapalibutan ang bulwagan ng tubig at ang pinakaaltar kung saan ang trono ng Lider ay natatakpan ng waterfalls.
The thin waterfall parted, and a figure dressed in a black robe came into sight. This man's facial features resemble those of a certain someone, one who is currently in the mortal realm. Ngunit ang kakaiba lang sa mukha ng lalaking ito ay ang marka ng tubig(water drop) sa gitna ng noo niya at ang pilat sa ilalim ng kaliwa nitong mata.
"Nagbalik ka, Elenara. Magandang balita lang ang kailangan ko kung ayaw mong bumalik sa palasyong 'yon na kulang ang bahagi ng katawan mo." Malamig na boses ang sumalubong kay Elenara.
Gayunpaman ay hindi nabahiran ng takot si Elenara. Sanay na siya sa ganitong trato ng Heralm na lihim niyang iniibig.
Nagpatuloy sa pagyuko si Elenara. "Panginoon, isang nakakagalak na balita ang aking dala. Isang supling ng Gintong Dragon ang nakatira sa mundo ng mga mortal. Higit sa lahat ito ang dragon na nakatadhana para sa Hari ng mga Engkanto ayon kay Keili. Kung mapatay ninyo ang dragon na ito at mainom ang dugo ay kayo na ang pinakamakapangyarihan sa buong Elenherealm. Kapag dumating ang panahong iyon ay kayo na ang mamumuno sa palasyo ng mga engkanto."
BINABASA MO ANG
Ang Engkantong Malibog
General FictionKinakailangan ni Elanher ang katas ng babae upang mapanatili ang kanyang malakas na kapangyarihan at upang manatili sa kanyang pamumuno ang kaharian ng mga Engkanto. Dahil dito ay nabansagan siya na isang walang kwentang lider ng kanyang nasasakupan...