Chapter 2

22 1 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"Anak, sigurado ka bang iiwanan mo sa kanya ang apo ko? Paano kung hindi pala 'yon marunong mag-alaga? Baka mapa'no ang Bryce ko." Nag-aalalang sentimyento ng kanyang ina.

Nag-iimpake s'ya ng mga gamit nilang mag-ina nang bigla-bigla itong pumasok sa kanilang silid, kabuntot ang nakababatang kapatid na si Reign.

"Kung maka-'ko' naman itong si ina parang sa sinapupunan lang n'ya tumubo at lumaki si Bryce." Humahagikhik na komento ng kapatid, na ikinangisi n'ya.

"Ina, kulang-kulang limang na taon na kaming nagsasalitan ni Dale sa pag-aalaga sa bata, ngayon ka pa talaga mag-aalala? That guy's a pro and capable of looking after his own kid." She explained, without glancing, and carrying on with her packing.

It's true. They have been co-parenting since the boy's just a few months old. She has taught him the proper procedures, do's and don'ts, as well as the pros and cons, when it comes to their child's care. He's a good listener; heeding every advice and command. At wala silang naging malaking problema sa pamamaraan nito ng pag-aaruga at pagbabantay sa bata. Kung kaya, panatag ang kalooban n'yang ibilin at ipagkatiwala rito ang paslit habang nasa bakasyon s'ya. Isa pa, ayaw n'ya nang maka-abala nang sobra sa kanyang pamilya.

"Since alam naman n'yang lahat ng tungkol sa pag-aalaga sa bata," Reign was about to suggest something, na nagpatigil at kunot-noong nagpaharap sa kanya sa direksyon nito, "bakit hindi na rin kayo gumawa ng panibagong bata? Para hindi naka-focus itong si ina sa iisang apo lang. Inaari na si Bryce e!"

Reign grinned sheepishly. But, it quickly faded makaraang magkapanabay na tumama rito ang kanyang ibinatong tsinelas saka ang pinong pagkurot ng kanilang ina sa singit nito.

"Manahimik ka, baka marinig ka ni papa!" She warned. Tatawa-tawa naman itong ibinalik sa kanya ang tsinelas kasabay ang pahabol na; "You talked fondly of him. Parang ginagawa mo lang panakip-butas 'yang boyfriend na katatagpuin mo.. sana wala kang pagsisihan kinalaunan."

Sinamaan n'ya ito ng tingin, na tinugon naman nito ng pilyong pagngisi.

"Doon na nga muna kayo sa labas, pwede? Mag-ta-tanghali na pero hindi ko matapos-tapos ang pag-iimpake dahil iniistorbo n'yo 'ko!" Pagtataboy n'ya saka ipinagtulakan ang mga ito palabas.

Nang s'ya na lamang mag-isa sa silid, nang masiguro n'yang nakasara at naka-lock ang pinto, naupo s'ya sa kama. Sa ilalim ng kanyang unan, inabot n'ya ang pinakatatago at pinaka-iingatang bagay—isang lihim na sa wari n'ya'y ikasisira n'ya, oras na may ibang maka-alam. Sumungaw sa kanyang mga labi ang mapait na ngiti makaraang ito'y mahawakan at mamasdan.

A guy in his jersey uniform; her so-called 'almost'.

Larawan ito na ninakaw n'ya sa bulletin board ng varsity team noong s'ya'y nasa high school pa lamang—larawan ng lalaking minsang bumihag at nagpatibok sa kanyang murang puso. Larawang nangupas sa paglipas ng mahabang panahong pagkakatago.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon