Prologue

28 1 0
                                    

***

"Dale?"

"Hmm?"

"Ano ba'ng ginagawa natin?" Biglang tanong n'ya habang magkayakap sila sa ibabaw ng malaking kama, isang hapong malamig at maulan.

"Bahay-bahayan ba'ng tawag dito? Jack-en-Poy?" Hayag n'ya pa, na nagdulot ng pagtawa rito.

"Dale, seryoso; hindi ako nagpapatawa." Napanguso s'ya. Tiningala n'ya ito at t'yempong niyuko naman s'ya nito ng tingin. Nag-inog ang kanilang mga mata at kalauna'y nagkatitigan. Marahang humaplos sa gilid ng kanyang mukha ang kamay nito.

"Ano ba tayo?" Usisa n'ya pa, hindi pa rin sumusuko.

"Meron ba'ng tayo?"

Walang salitang binigkas ang mga labi nito. Ngunit, nasaksihan n'ya ang pagsilip ng lungkot sa kulay sapirong mga mata nito. Kung bakit at para saan? Hindi n'ya rin alam.

Ngunit, may kutob s'ya at 'di n'ya iyon nagugustuhan.

Nag-iwas s'ya ng tingin, nangingibit ang mga labi, anumang sandali tatakasan na s'ya ng luha. At, ayaw n'yang matunghayan s'ya nito sa ganoong estado. Ayaw n'yang kaawaan s'ya nito. Ayaw n'yang mapilitan lamang itong seryosohin s'ya o ang anumang relasyong namamagitan sa kanila, nandahil lamang sa awa. Hindi s'ya pulubi upang mamalimos dito ng katiting na pagtingin.

The little remains of pride was all she had left.

Bumangon s'ya saka binalot ng makapal na kumot ang hantad na katawan.

"Therese," tawag ni Dale sa pangalan n'ya. Ngunit, nagtengang-kawali lamang s'ya saka nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa banyo. She locked herself in and turned the tap on, so he won't catch her shedding a tear.

Mistulang paslit na namaluktot s'ya sa sahig, akap ang mga binti, habang pigil na pigil ang paghagulgol. He's just outside. Naaaninag n'ya ang anino nito mula sa maliit na siwang ng pinto.

It's funny how everything turned out like this, messy and chaotic. She threw herself into him, hindi s'ya nito pinilit. He was looking for a playmate-in bed-and she volunteered. Ang sabi n'ya ay ayos lamang sa kanya ang set-up na casual sex-no strings attached, friends with benefits!

But, the truth, she had never had sex her entire life-and never had she ever thought of doing it with someone who's not even her partner. Ginawa n'ya lamang iyon out of despair-to get his attention, get close to him, and get under his skin.

She let him take her. He was her first in everything. She willingly became his whore, just so he could notice her.

Bawat text at tawag n'yang nagpapa-anyaya, pinaunlakan n'ya. Naging alipin s'ya sa pagmamahal sa kanya, kay Vincent Dale San Roman.

But, seven months had passed-seven months of wild, mostly raw sex-wala pa ring nagbabago. For him, she remains a mere "fvck buddy"-nothing more and nothing less.

Only recently when she found out-hindi nito direktang sinabi, ngunit sa kanya ay may nagbanggit-that he's, apparently, already engaged. It was also around that time nang mapag-alaman n'yang nagbunga ang kapusukan nila. She's pregnant; dinadala n'ya ang anak nito sa kanyang sinapupunan.

But, she has no plan of telling. Ayaw n'yang mapilitan itong panagutan s'ya alang-alang sa kapakanan ng bata. Ayaw n'yang may masirang relasyon at pamilya dahil sa kanya-sa kanila-kung kaya s'ya na'ng magpaparaya. 'Tsaka kaya naman n'yang buhayin mag-isa ang kanyang anak, hindi n'ya kailangan ng anumang suporta.

"Therese?"

Shoot! She forgot he has spare keys of the rooms in his pad. Nabuksan n'ya ang pinto at lumuhod ito sa kanyang harapan kapantay n'ya.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon