Chapter 4

27 1 0
                                    


***

Their team was supposed to have a practice that afternoon. Puspusan ang kanilang paghahanda, para sa gaganaping inter-school conference, para sa nalalapit na regionals. He's North-West's team captain and ace player. His team relies on him—and he knows that.

Ngunit, hindi s'ya sumipot sa practice nang hapon ding iyon.

At, sa halip na sa gymnasium, ay natagpuan n'ya ang sarili sa auditorium—prente at komportableng nakahiga sa back row.

May mangilan-ngilang estudyante s'yang namataan, ngunit 'di n'ya na pinagtuunan pa ng pansin. He has been diligent in all their practices, a day off won't harm him; just like everybody else, he needs it.

Bumuga s'ya ng malalim na buntong-hininga. Akmang pipikit na ang kanyang mga mata, nang maulinigan ang pagtugtog ng piano, na nagpatigil sa kanya. He's not into music, ngunit sa wari n'ya pamilyar ang melodiyang napakikinggan.

It only took him a heartbeat to recognize it's Aerosmith's Don't Wanna Miss A Thing.

"I could stay awake just to hear you breathin'.. watch you smile while you are sleepin'.. while you're far away and dreamin'~"

Isang himig ang sumabay sa tugtugin. Himig na mayumi, mala-anghel sa ganda. Himig na pumukaw sa noo'y inaantok n'yang diwa.

"I could spend my life in this sweet surrender.. I could stay lost in this moment forever~"

Hindi n'ya namalayang nakatitig na s'ya sa kisame habang ang isipa'y tinatangay ng nanghaharanang tinig, patungo sa kung saan.

"Where a moment spent with you is a moment I treasure.. I don't wanna close my eyes.. I don't wanna to fall asleep.. 'cause I'd miss you babe.. and I don't wanna miss a thing~"

He's not inclined to music, he's the type to be only playing it on workouts. Noon n'ya napagtanto; maaari rin palang pakinggan ito sa mga panahong naghahanap ka ng katiwasayan at sinusubukang ilihis ang atensyon mula sa magulong mundo.

Pagmamalabis mang sabihin, ngunit sa mga sandaling iyon nakatagpo s'ya ng pahinga at kanlungan sa sulok na iyon, sa pamamagitan ng tinig na iyon.

Bawat linya ng kanta, matiyagang hinintay n'ya upang awitin nito.

Laking pagtataka n'ya nang walang ano-ano'y naputol ito at may narinig s'yang mga yabag. Isang tila tumatakbo palayo.

"Hey, wait up!" Anang isang baritonong boses.

Sukat doo'y napabangon s'ya saka tinalunton ng tingin ang direksyong pinagmulan nito.

Nakita n'ya ang isang pamilyar na bultong nakatayo sa bukana ng auditorium.

"Ano, nakilala mo ba?" Another figure emerged, panting like he just came from a race.

"Nah, she's too quick!" Dismayadong tugon ng nauna.

"Ooh!"

Naningkit ang kanyang mga mata nang bigla s'yang ituro ng isa sa mga lalaking dumating. Mahabang sandaling pinagmasdan s'ya ng mga ito; tinantya, kinalkula. Nang mapagtanto ang kanyang katauhan, nag-alangan na ang mga itong mang-usisa pa. He's Vincent Dale Abrazarte-San Roman, after all.

Gayunpaman, wala rin silang mahihitang kongkretong sagot mula sa kanya. Lalo't palaisipan din para sa kanya ang pagkakakilanlan ng taong hinahanap nila.

Nababagot na tumayo s'ya saka nagsukbit ng bag. Nawalan na s'ya ng ganang mamahinga at napagpasyahang gugulin na lamang ang oras sa practice.

Kinagabihan, nagsilbing hele n'ya ang bawat salin ng Don't Wanna Miss A Thing. Pinakinggan n'ya ang mga ito hanggang sa makatulugan. It was a peaceful night he had.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon