CHAPTER 65

3.6K 44 0
                                    

Chapter 65: Revelation: Locket

“MOMMY Ganda!” tawag niya rito nang makitang nasa labas na rin si Rea. Nagmamadali pa nga ito nang makita siya at agad niyang pinapasok si Shahara.

“Nandito na ang alaga ko. Oh, siya sige. Umalis na kayo, Miko,” sabi niya saka niya kami tinalikuran. Sumilip pa sa balikat niya ang anak ko at nakangiting kumaway pa.

Napakamot ako sa batok ko at nagkatinginan pa kami ni Shynara. “Rea, naman! Hindi pa ako nakakapagpaalam sa anak ko!” reklamo ko.

“Hindi na kailangan, bye!” sigaw niya pabalik.

“I love you, Daddy! TC ka po!” Wala akong nagawa kundi ang kumaway lang pabalik sa aking anak at nakontento na lamang ako nang makita ko ang matamis na ngiti niya.

Binuhat ko na si Shynara at huling pupuntahan namin ay ang bahay ni Kuya Markus. Mas malapit sa bahay ng grandparents ko iyong kanila.

Ang kambal ng kuya ko ang nasa labas ng bahay nila na nagdidilig ng halaman nila. “Hey, kambal!”

“Uncle Miko!” Masayang lumapit sila sa gate nila.

“Mag-iiwan ako ng magandang baby,” biro ko. Binuksan ni Azethmarkian ang gate. 8 years old na silang dalawa.

Hinalikan ko na ang pisngi ng panganay ko saka ko siya ibinaba. Hinawakan na siya sa kamay ng Kuya Mark niya.

“Bye ka na sa daddy mo, Shynara.”

“Bye po, Daddy! Love you!” Nag-flying kiss pa siya kaya napahalakhak ako. Pabirong sinalo ko ito.

Tahimik siya kumpara sa mga nakababatang kapatid niya pero ang lambing-lambing sa akin.

“Nandiyan na si Shynara?”

“Yup po, Mama!”

“Mama Thez!” Kitang-kita ko kung paano takbuhin ni Shynara si Theza. Binuhat siya nito at hinalikan ang dalawang pisngi niya.

“Sige na. Doon na kayo sa loob ng mga kuya mo, honey. I will talk to your father pa.”

“Oks po!”

“Saglit lang, Miko.” Hindi na ako pumasok at nasa pagitan namin ang gate.

“Eh, bakit?” tanong ko.

“Nag-hire ng bodyguards ang kuya mo para sa ’yo. Ngayon aware na tayo at mas nag-iingat na para hindi na mangyari pa ang nakaraan. Miko, humihingi sila ng ebidensiya kung totoong sina Kallani Soleil Carvento-Valderama at Donna Jean ay iisa, saka sila kikilos kung paano nila makuha ito. Pero ilang beses ka na niyang pinagtatabuyan,” mahabang saad niya.

“Sigurado ako na si Jean iyon, Theza. Kilalang-kilala ko na siya,” giit ko.

“Makikipag-coordinate na rin ako sa dati kong agency. Si Archimedes Valderama ay parte ng organisasyon ng NBI. Kaya nahihirapan tayong kumalap ng impormasyon tungkol sa kanya. Tagong-tago ang identity niya,” sabi niya. “Pero mag-iingat ka pa rin.” Tinanguan ko na lamang siya saka ako nagpaalam.

Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ko. Kahit gaano pa kalaki ang nagawa kong kasalanan noon sa babaeng mahal ko ay hindi pa rin nila ako iniwan at hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin nila ako.

Tunay na hindi ka nga iiwan ng pamilya mo kahit na ano’ng mangyari. Magagalit man sa ’yo pero mangingibabaw ang pagmamahal nila sa ’yo.

***

HABANG nagtatrabaho ako ay napapansin ko na parang balisa si Kalla. Kahit ang likod niya lang ay makikilala ko talaga siya. Hindi ko na muna siya nilapitan hanggang sa hindi siya nakatiis at siya na rin mismo ang lumapit.

The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon