"10 minutes before the train left!".
I was carrying my two pieces of luggage while standing in line to get on the train.
Kung iniisip nyong train ng maynila ito. Nag kakamali kayo. This is a train that only goes out in the middle of the forest once a year to pick up people who have been chosen to be admitted to a school far from the city, in short, a school that is different from other schools.
Iyun ang sabi sakin ng mama ko. Pero sa tingin nyo maniniwala ako?.. Of course not!. Napilitan lang akong pumasok at sumama dito dahil naka tanggap ako ng golden envelope at iniimbita akong pumasok sa Huminous Academy. Madaming sinasabi sakin ang mama ko pero wala na akong pinaniniwalaan! Kahit na sinasabi nyang other world or magic world daw ang pupuntahan ko.
Kaya heto... Nandito ako.
Nang makapasok ako sa train, umupo ako sa pinaka dulo at itinaas ang bagahe ko. Inilabas ko ang libro ko at nag simulang mag basa. Madami pang pumasok sa train at masasabi kong napaka haba ng sakayan na ito. Hindi katulad sa iba kong nakikita sa city.
"Uhm.. Hello". I stopped reading and looked in front of me when someone called...I saw a small woman with a hanging bag, she was smiling at me.
"Yes?" Tanong ko dito. Nahihiya nyang tinuro ang kaliwa kong pwesto na bakante.
"Pwede bang tumabi? Full na kasi sa unahan". Mahinhin nyang tanong sakin.
Tumango naman agad ako bago umayos ng upo. "Sige, Dito oh".
Malapad syang ngumiti at mabilis na tumabi sakin. "Thank you!" Tumango lang ako. "I'm Crizel, Ikaw? Ano ka?"
I immediately frowned at her last question. Ano ako?. "Uhm.. Tao" Bakit? Mukha ba akong animal o puno sa paningin nya?.
Nagulat agad sya sa sagot ko. Umiling iling pasya. "Ay, Mali...i mean anong pangalan mo? Sorry sorry, medyo nerbyosa kasi" Awkward syang tumawa kaya napatango nalang ako.
"Thalia... Maria Thaliana" Sagot ko sa kanya.
Marami pa syang nasabi pero napansin kong umaandar na pala ang train. Nang tingnan ko ang labas. Nanlaki ang mata ko ng makitang iba na ang lugar na pinupuntahan namin.
Teka!... Bakit nasa kalagitnaan kami ng bangin? Nasa gubat kami kanina ah?!.. "Anong nangyari?" Umaga din kanina! Mataas ang araw! Pero bakit gabi ngayon dito! Naulan pa ng nyebe!. Malakas ang hangin.
", Thalia, Ayus kalang?" Tanong sakin ni crizel ng mapansin ang mukha ko.
Kunot noo ko syang tiningnan. "Nasaan tayo ngayon?" Tanong ko.
"Nasa Adarlan na tayo ngayon, Lugar kung saan nakatayo ang Huminous Academy. Yung papasukan natin". Paliwanag nya sakin.
"Sa adarlan ang punta nyo, Doon nakatayo ang paaralan na tinatawag na Huminous Academy" Naalala ko ang sinabi sakin ni mama.
Kung ganun tama sya?.
"30 minutes before the train stops, prepare the things for going out later" Anunsiyo ng isang stuff ng train.
Napabuntong hininga ako bago tumingin sa labas. Nakita ko sa hindi kalayuan ang isang gusali na nakatayo sa tuktok ng bundok. Pinalilibutan ng matataas na pader. The building could not be seen much because of the strong wind and snowfall. But I can see its breadth and size..
YOU ARE READING
Huminous Academy:School of Magic (Academy Series 1)
FantasySa isang mundong puno nang mahika, Hindi na normal na tao kungdi mga Immortal, Makapangyarihan at puno nang makulay na Pag subok sa buhay. Hindi akalain ni thalia ang mangyayari sa kanyang buhay matapos ng mangyari ang hindi nya inaasahan. Bampira...