Chapter 2: Troubled

51 3 0
                                    

"Good morning, I'm professor Xavier and welcome to my class newbies".

The start of class is 8:00 in the morning. At 1:30 hanggang 9:00 ng gabi ang training. Hindi ko alam kung bakit mas mahaba ang training sa klase.

Sa malapit sa bintana ang pwesto ko. Habang si crizel ay nasa likod ko. Nakasuot kami ng green na uniform at itim na boots. Meron ding coat pero hindi ko sinusuot dahil hindi ako komportable sa kapal nito.


Nag simula ang klase at nasa 20 plus lang kaming nasa room. Tahimik kami at nakikinig. Seryosong nag tuturo si Sir Xavier sa unahan at kapag nagambala mo sya ay halatang magagalit agad.


Pumatak ng 9:20 at oras na ito ng break time. Hila hila ako ni crizel papunta sa hall kung saan nandun ang mga pagkain at studyante. Nang makapasok kami sa loob, May nag tataasan at nag lalakihang chandelier sa kisame. Apat na malaki at mahabang lamesa. Sobrang lawak sa loob na aakalain mong kasya ang libong katao.

"Mag hanap na kayo ng pwesto, Kami na ang kukuha ng pagkain" Sabi ni Loki, Kanina lamang namin sya nakilala.

"Sama ako!" Sigaw naman ni Shea. "Crizel, thalia, Hanap na kayo doon ha, kasya sa apat".


"Sige".

Walang gana akong nag lalakad habang hila hila ako ni crizel para makapag hanap ng pwesto namin na kakainan. "Thalia, Bakit ba hinang hina ka? May masama ka bang nararamdam?" Tanong sakin ni crizel ng makahanap kami ng pwesto, umupo agad ako.

Napabuntong hininga ako. "Ayus lang". Ang totoo nan, Nababaguhan lang ako sa lugar. Siguro, ewan ko. Kakaiba lang ang pakiramdam ko at wala akong gana.


Nang Nakarating sina loki at shea, Dala na nila ang apat na tray bago nilapag sa lamesa namin. Tumabi sakin si shea habang kaharap naman namin si loki at crizel.

"Mag hahanap ba kayo sa library mamaya pagkatapos ng training? Sa isang araw daw ang pasahan noon diba?" panimula ni shea. Tinutukoy nya libro na pinapahanap samin ni sid Xavier, tungkol sa mga halamang gamot.


Tumango agad ako. "Mamaya ako mag hahanap, para bukas mag sisimula akong mag basa".


"Sabagay,Sasama na din ak--".

"Tumabi kayo!".

Lahat kami ay napahinto sa pag kain ng may tatlong lalaki ang lumapit sa pwesto namin. Agad na kumunot ang noo ko bago tiningnan ang mga ito.
Sa lakas ng pag kakasabi nung nasa unahan ay lahat ng nasa loob ay nasa amin ang atensyon.


"Pwesto namin yan. Mga baguhan kayo diba?" Tunog mayabang ang nasa kaliwa. "Tumabi kayo dyan at irespeto nyo ang mga matatagal na sa paaralan na ito, mga malalakas pa sa inyo!".

Agad na kumunot ang noo ko sa inis.
We immediately heard a whisper. When I looked at my friends, they looked at the three men badly but they couldn't do anything.


Agad na tumayo si loki." Pasensya na kayo, pero nauna kami dito, marami pa namang bakante sa gilid--"


"Inuutusan mo ba ako? Ha?" Nag hahamong away na tanong nung nasa gitna.agad syang lumapit kay loki at nag aamok ng away na itimulak ito. Nakarinig agad ako ng nag aawat.


Mag sasalita pa sana si loki nang tumayo ako. Masama kong tiningnan ang tatlong lalaki na nasa harap namin.

"Hindi ba kasasabi lang ng kaibigan ko na marami pang bakante sa gilid? Bakit hindi kayo ang mag hanap ng iba?, Iniistorbo nyo kaming mga kumakain ng payapa dito, Ganan ba ang dapat irespeto?".

Nang dahil sa sinabi ko, natahimik ang lahat. Agad na tumingin sakin ang tatlong lalaki na Mukhang naiinis na.
Binitawan nila si loki bago mayabang na lumapit sakin. Natatawa pa sila.


"May sinasabi ka?" Tanong sakin ng nasa kaliwa.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Bingi kaba?".

Agad syang napasinghap. Agad nya akong hinawakan sa balikat pero napigilan ko sya. Mabilis kong nahawakan ang ulo nya bago inuntog sa lamesa namin. Sa sobrang lakas ay nahati sa gitna ang lamesa.

Agad na lumayo sina crizel sa ginawa ko." Thalia! Tama na! Hayaan mona sila!". Awat sakin ni shea pero hinayaan kolang sila.

Nakahandusay na ngayon sa sahig ang lalaki. Sinugod pa akong isa sa kanila pero malakas ko syang sinampal bago sinuntok sa panga. Umikot pa ako bago sinipa ang mukha nya gamit ang mga paa ko. Nakarinig agad ako ng sigawan.

"Awatin nyo!".

"Baka makita yan! Awatin nyo na!".

"Bastos ka ha! Porket babae ka!" sigaw ng nasa gitna kanina. Ang nag iisang natitira. Lalapit sana sya sakin pero mabilis ko na syang tinadyakan. Sa lakas ay napahiga na sya sa sahig bago ko inapakan ang mukha gamit ang kanan kong paa.



"Huwag kayong nang iistorbo ng nakain. Kung gusto nyo irespeto, irespeto nyo din kami" Pangangaral ko sa kanya.


"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!"

Isang nakakatakot na sigaw ang narinig ko sa hindi kalayuan. Nang lingunin ko iyun. Isang lalaki ang nakatayo sa harap ng main door ng hall. Nasa likod nito ang isa pang lalaki. Matangkad ito at naka salamin, Masama itong nakatingin sa gawi namin kaya mabilis na lumayo ang lahat na kanina lamang ay nanonood.




He walked to our place. All the students retreated away and I was the only one left while the three boys lay on the floor. On the other side are Crizel who has been worrying me until now..



Nang makalapit sya samin. Naramdaman ko agad ang nakakatakot na aura nya. Kaya siguro umayos at lumayo agad ang mga studyante. Seryoso syang nakatingin sakin ngayon. Who is this guy?.




"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Mahinahon pero maotoridad nyang tanong sakin.



"Hindi ko kasalanan ito--" depensa ko agad. "Sila ang nauna, gumanti lang ako". Dagdag kopa.



Seryoso lang syang nakatingin sakin bago bumuntong hininga. "Follow me, now" May halong galit na utos nya sakin.




Agad na kumunot ang noo ko at umayos ng tayo. "Bakit ako? Sila nga ang nauna diba?!, Tahimik kaming kumakain tapos guguluhin nila kami!". Angal ko, nag sasabi ako ng totoo! Kaya bakit ako ang susunod sa kanya at hindi ang tatlong ito?!.




Tiningnan nya ang tatlong lalaki na pilit nang tumatayo, then he look at me. Ngayon, kakaiba ang titig nya. Nakakatakot." Still, Follow. me.now" Tiningnan nya din ang tatlong lalaki.



"And you three, Go to the office for your punishment. Now!".



Natahimik ako. Agad na tumalikod ito. Tiningnan naman ako ng lalaking naka sunod sa kanya. Maliit itong ngumiti bago lumapit sakin.


"Sumunod ka nalang miss". Pag kukumbinsi nya sakin.

Wala akong nagawa kungdi ang sumunod. Tinitingnan lahat ako nang mga studyante. Halos hindi kona nalingon sina shea, Loki at crizel na nag aalala sakin sa gilid.


______________________________
CHAPTER 2: TROUBLED



Huminous Academy:School of Magic (Academy Series 1)Where stories live. Discover now